ASAR TALO. (His Side)

515 31 18
                                    

Para po sa mga nagrerequest ng PART 2 ng "BUHAY PAG-IBIG? ANO YUN?" eto na po! Hahaha! Sana magustuhan niyo. Di ko kasi talaga alam kung paano siyasisimulan e. :(

--

ASAR TALO. (HIS SIDE)

RON FERNANDEZ' side.

Sa buhay, laging talo ang naaasar kesa sa nangaasar.

Maraming nangaasar, kesa sa mga naaasar? Totoo ba yun?

Mas maraming hinahayaan nalang silang asarin kesa magtalo pa sila.

Pero pagdating sa pag-ibig, ang unang mainlove, T-A-L-O.

Yung tipong unti unti kang natutuwa sa pang aasar niya.

Yung bawat kulit at asar mo sa kanya, imbis mainis ka sa reaction niya sayo, natutuwa ka pa.

at lalo kang naiinlove ng hindi mo namamalayan?

Pano kung biglang bumaliktad ang mundo?

Na dating ikaw ang laging nangaasar, ay siya na ngayon ang nangaasar sayo?

ANG HIRAP PALA NG, ASAR TALO.

**

HIS SIDE.

"Pre!!" Sabay akbay niya sakin. Ano ba to? Bading?

"Tigilan mo nga ako, Ivan. Nababading ka nanaman e!" Sabay tanggal ko ng pagkakaakbay niya.

Siya si IVAN MENDEZ isa sa mga tropa ko sa section ko ngayon. Oo nga pala, sa mga nakalimot, lumipat ako ng section last July. Ang korni kasi samin e. Ang daming maaarte at malalndi. Matagal ko na rin yang tropa si Ivan. Pano? Parehas kami ng ugali e.

 "SUS! NAGLALAMBING LANG EH!!!" pagmamaktol nito! Kaasar na yan! Kung hindi ko lang yan kiala, baka napagkamalan ko na yang bakla! KADIRI EH!

"Tumigil ka nga! Nasan yung iba?" paghahanap ko sa iba naming tropa.

September na ngayon. matagal na rin ako sa section nila. Ang daming pakulo ng mga teachers ngayon. Lalo na yung presentation namin? Yung August prinisent? Psh. Ang galing daw. Kesyo daw maganda. Ewan ko sa kanila. Ang hilig nila sa LOVE! -____-

Oo, aaminin, nagkagirlfriend na ako, pero syempre, hindi seryo--

"Nandun na sa lo--" hindi na natuloy ni Ivan yung sinasabi niya dahil nagsalita agad ako.

"SIANNE!!!!" tawag ko sa kanya. Sa wakas. Nakita ko na rin yung lagi kong pinagtitripan sa klase.

Lumingon lang siya at sinungitan ako. TSK!!

ASAR TALO. (His Side) [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon