Previous Page of 3Next Page

ONE SHOT STORIES

spinner.gif

 

At bigla siyang nag-puppy eyes.

 

Lub-dub. Lub-dub.

 

Sh*t, ano yun?

Bigla akong kinabahan.

 

Kumanta na ako para tumigil na siya.

 

MARRY ME.

 

Yun ang kinanta ko.

 

...

 

"Wow! Ang ganda pala ng boses mo Harry! BOOM BOOM BOOM BOOM ^_^"

 

Tss.

Amaze na amaze siya kasi yung boses niya,  BASAG.

 

Umuwi na kami.

At sinabi niyang bukas na raw namin ituloy ang paggawa ng project.

 

**

 

"Nasaan ka na Harry? BOOM BOOM BOOM BOOM ^_^"

 

Text yan sakin ni Ms.BOOM.

Hindi ko kasi alam ang pangalan niya kaya Ms.BOOM nalang.

 

"Wait lang. May ginagawa pa kasi ako."

 

"Ah sige. Text ka nalang pag papunta ka na. BOOM BOOM BOOM BOOM! ^_^"

 

Hindi ko nga alam kung makakapunta ako.

 

Nandito kasi ako ngayon sa isang restaurant, kasama ang nililigawan ko.

 

..

 

"Harry, pupunta ka pa ba? BOOM BOOM BOOM BOOM ^_^"

 

Ilang oras  na pala siyang naghihintay.

 

Tsk.

Sino ba siya?

 

Hayaan ko na nga lang siya.

Saka, kaya naman niyang gawin yun mag-isa e.

 

Hindi ko na siya tinext.

 

Hanggang sa may natanaw akong pamilyar na babae sa labas ng restaurant.

 

Si Ms.BOOM yun.

 

Pumasok siya sa loob at naglakad papunta sa direksyon ko.

 

"Kuya Harry, eto yung project natin. Tapos ko na pong gawin. Ikaw nalang magpasa bukas. Salamat po kuya."

 

Sinabi niya sakin nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at parang naluluha ang mga mata niya.

 

Tinawag niya akong kuya at walang BOOM BOOM BOOM BOOM sa huli?

 

Hindi ko alam pero parang bigla akong nasaktan.

 

Naninibago ako, sh*t.

 

**

 

Ilang araw pa ang nakalipas..

 

Naghihintay ako ng text niya pero walang dumarating.

 

Sa school hindi na rin niya ako binabati, kahit nga tingin wala man lang e.

 

Hindi ako sanay.

 

Parang hinahanap-hanap ko na siya.

 

Sh*t.

 

**

 

"Bakit parang nagbago ka?"

 

Hindi ko na natiis.

 

Kaya naman nagtanong na ko sa kanya.

 

"Bakit kuya? Hehe. Ganito naman gusto mo dba? ^_^"

 

Pagkasabi niya nun, umalis na siya.

 

Sinundan ko siya.

 

Pauwi na yata siya ng bahay nila.

 

Hindi niya ako pinapansin.

 

Hanggang sa may tatlong lalaking lasing ang humarang sakin.

 

Nakaamba silang sasaksakin nila ako ng kutsilyo ngunit naramdaman kong may yumakap sakin.

 

**

 

"Kamusta na siya?"

 

"Medyo okay na raw sabi ng doktor."

 

Kausap ko ngayon ang isa niyang kaibigan.

 

Oo, iniligtas niya ako sa pangyayaring yon.

 

Siya ang nasaksak at hindi ako.

 

"Dalawin mo siya. Ikaw si Harry dba?"

 

"'Oo, ako nga."

 

"Si Danielle talaga o. Lahat isasakripisyo para sa taong mahal niya kahit hindi naman siya mahal."

 

Danielle pala ang pangalan niya.

 

At.. Huh?

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

"Ikaw yung lagi niyang tinetext at sinasabihan ng BOOM BOOM BOOM BOOM. Alam mo ba kung anong ibig-sabihin nun sa kanya? I LOVE YOU. Yung ang way niya ng pagsasabi ng I love you sa taong mahal niya. At yung sinasabi niya dun na mahinang part, You got that superbass na ang ibig-sabihin sa kanya ay You got my heart"

 

"Ibig-sabihin.."

 

"Oo, mahal ka niya dati pa. Pero kung napansin mong cold na siya these past few days, yun ay dahil nakita ka niyang may kasamang iba. Girlfriend mo raw yata. Sabi niya."

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (70)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Under This Old Oak Tree ( Tagalog Version)Could it be?Pwede ba maging TAYO?Aftermath of "Happily Ever After"