The legend of the Octopus in the Milky Way

62 0 0
                                    

Tumayo mula sa pagkakaupo ang magaling kong boyfriend, kamuntik pang mapasubsub si octi the girl dahil sa ginawa ni potato, lumapit siya sa akin at kinuha ang mga dala kong gamit. ( I'm secretly grinning right now, who's the boss octi girl huh, I Am) Na usual habit niya sa tuwing iniintay niya akong pumasok, ni hindi man lang siya nag explain or anything about what's happening.

"Baby, where are you going?" maktol ng kapatid ata ni Ursula ng little mermaid sa hubby ko.

" Kiko, its already 8 late ka na sa first at second subject mo, mamaya na lang ulit tayo magkita" inabot ni Shadow ang bag nung girl.

Aba't bakit di ko napansin na hawak niya din yun and may gana pa silang magkita ulit mamaya. May sequel na pala ang No Other Woman ni Anne Curtis.

Umalis na si tentacle girl, hihirit pa sana ng kiss sa boyfriend ko kaso binigyan siya ng oh - so - famous - evil - glare ni Shadow. umurong lahat ng pwedeng umurong sa kanya.

Nauna maglakad si potato my luvs and take note hindi niya ako hinintay. Hinabol ko siya at tinanong ko kung sino ang babaeng yun.

"Shadow!" I call him by his real name, ginagawa ko lang iyon kapag inis ako sa kanya at dahil inis nga ako I call him Shadow, (mehehe redundant lang)

Humarap naman siya sa akin with his usual poker face. Sa mga di siya gaanong kilala, aakalain na lagi siyang sinasaksakan ng anesthesia. Expressionless and emotionless lagi ang peg ng male heroine natin mga dre. Kung totoo lang si Uchiha Sasuke kakabugin ng boyfriend ko ang pagiging Emo niya.

But Shadow is different, he's kind and friendly, everybody loves him kahit na snobbish siya minsan. its a great mystery na kahit si Holmes at Watson ay hindi masosolve kung bakit walang naiinis o nagagalit sa kanya. Sabi nga DONT JUDGE A BOOK PAG WALANG COVER! Hanudaw? basta his attitude is one of a kind.

Nag-alien finger sign pa ako, kasi naghehesitate akong itanong sa kanya ang tungkol dun sa girl. ( ̄(工) ̄)

"Were cousins" tipid niyang saad.

"Huh" timang kong sagot.

"Gusto mong itanong kung kaano-ano ko si Akiko right? cousin ko siya sa mother side may brother complex lang siya kaya siya ganyan" cool niyang paliwanag sa akin. Hindi lang pala gwapo tong potato ko, he's also a mind reader.  

So that little drat had brocon eh! she's really crazy! Akala ko sa anime lang yun nageexist meron din pala in reality.

"Is it okay with you?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ang alin?"

"Na may feelings sa iyo ang cousin mo? That will be incest"

"ayos lang yun, as long as na hindi ko seseryosuhin ang complex niya, Hindi magkakaproblema."

"Why is she here?" di ko mapigilang mag-usisa.

"gusto daw niya akong makasama kaya nagtransfer siya besides lagi siyang binubully sa school niya dati so pumayag na ako, atleast dito I can see her activities and kung may nang bubully sa kanya"

" ah" sagot ko, naiinis na naman ako sa kanya , yung pinsan niya pinagbigyan niya sa kapritsuhan nito pero yung simpleng hiling ko di niya mapagbigyan. This is really unfair.

"kung nagtatampo ka pa rin dahil hindi ko gustong pumasok sa N.I, sorry na"

"hindi ah, sino ang may sabi na nagtatampo ako sa iyo?" sige lang Radiance ipagtanggol mo ang nadurog mong pride mehehe.

" kilala kita, you're stupid sometimes but I always knew kung kelan ka nagtatantrums. "

Nagpanting ang tenga ko dahil sinabihan niya akong stupid, alam ko naman yun dahil ginagawa ko lang iyon pag kasama ko siya. I act stupidly in a cute way naman kaya ayos lang besides yun ang naging charm ko kaya nagustuhan niya ako. Myehehe

I used a sad tone "Paano mo naman nasabi na nagtatantrums nga ako?"

"because I know" saad nito habang diretso ang tingin sa daan.

"How do you know?" parang bata ko ulit na tanong.

"Because I LOVE YOU" this time nakaharap na siya sa akin habang nakasmile.

I was dumbfounded for a moment. Once in a million kung sabihan ako ni Shadow ng 'I Love You' dahil madalas through actions lang niya yun pinahihiwatig, and this is one of those rarest moment.

Bumwelo ako "Kung Love mo ako, bakit di ka man lang nag-abalang tawagan or bisitahin ako sa bahay nung vacation?" now anong palusot mo?

"As far as I can remember ikaw ang ayaw lumabas sa kwarto mo sa tuwing dumadalaw ako, and sino ba ang may cellphone na laging nakapatay or out of reach?" pinagtaasan niya ako ng kilay. Ang taray niya talaga.

"mehehe, piz yow" nalimutan kong feel kong mag-inarte sa kanya noon kaya hindi kami nagkausap nung bakasyon.  

"Radiance, halika na malalate na naman tayo" inakbayan niya na ako at sabay kaming pumunta sa room ko.

Nakarating kami sa room ko, di kami classmate dahil dalawa ang science class dito and sadly to say belong siya sa kabilang class.

Inabot na niya ang things ko, di pa rin ako naimik, pinat niya ang ulo ko na madalas niyang ginagawa kapag natutuwa siya sa ginagawa ko or naaliw siya sa akin. Part time dog din niya ako actually.

"Here" may inabot siya sa aking rilakkuma stuffed toy. Mahilig ako sa anime kaya alam niya mga favorites ko.

"pero kabibigay mo lang sakin ng bunny kanina ah"

"nakita ko yan sa isang toy shop habang papunta ako sa school, naalala kita so binili ko na agad, sige maya na lang ulit" he kissed me on my cheeks and walk away.

Nagtilian ang mga classmates .

"wooh, mga tol! wala na talaga tayong pag-asa kay Ms. Pastel, may signature na ni Ice with matching period pa" anunsiyo naman ng isa kong tagahanga sa mga classmate kong boys.

"tumigil ka Neon, ikaw lang naman ang walang pag-asa kay Pastel eh." naghiyawan muli ang mga kaklase ko, hindi ko na lang sila pinansin dumiretso ako sa upuan ko habang natatawa sa kanila. Itinabi ko si rilakuma sa loob ng bag ko, may bago na namang karagdagan sa pamilya namin.

Noong una hindi Ko maintindihan kung bakit ako lagi binibigyan ni potato my luvs ng stuffed animals pero habang tumatagal nakakasanayan ko na rin ang habit niyang yun. Isa yun sa mga katangian na gustong-gusto ko sa kanya- sweet and thoughtful. Para na ngang mga anak ang turing ko sa mga stuffed toys na yun eh. Napakaswerte ko to have him. Kung tunay sina snow white at cinderella tiyak na pag-aawayin ko sila.

San ka naman nakakita ng love story na iisa ang sinasabing hinalikan sila pareho ng lalaking nagngangalang PRINCE CHARMING, kung hindi ka naman talaga tinamaan ng magaling.

Naniniwala ako sa fairy tale, for me those stories are the role models of today's top-grossers movies; walang Edward Cullen and Bella Swan na hinahangaan ngayon kung hindi dahil sa Beauty and the Beast? Walang Rebonding Salons ngayon kung hindi nadiskubre ang kagandahan ng buhok ni Rapunzel. Hindi pula ang buhok ngayon ni Yeng Constantino kung hindi dahil kay Arielle.

Walang Monster University ngayon kung walang Monster Inc. at walang Toy Story 3 kung walang Toy Story 1. Di ba? That's the essence of Logic. Mehehe muntanga lang ako.

But still my Shadow is not Prince Charming because he's my Shadow Ice Advincula, alive and kicking and not just a fictional character.

IM SO BLESSED

My not so Romantic FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon