Previous Page of 3Next Page

Secretly Married .ƒĢ. (Published & Soon to be a Major Motion Picture)

Dedicated to
aril_daine
spinner.gif

Para kay… sino ba to?? joke...medyo magulo ang relasyon namin nito eh.. (yuck may relasyon?) ahaha. Sige for the UltimateIdol/BabyVampy/Master/LittleSister!!!!! weeee aril_daine. Wabxuwabxu!!!! <3<3<3

 

____

 Oh yes tama kayo dahil may .5 ang last chapter ibig sabihin dalawa ang update for the day. Medyo nahuli lang ito. Wag kayong mainis sa akin. TT_____TT. May sakit ako wahahahah excuses eh nuh? Oh ayan. And please!!! READ FIRST BEFORE VOTING. That’s my only way to gauge the effectiveness of the chapters. Lels.

____

 

What?! Tsk. No Kent… Wala yan… It’s just a simple hug.

 

 

 

 

Nakita niya rin na hinalikan ni Harley ang asawa niya. Nagsikip ang dibdib niya. Kahit sa pisngi lang yun. Feeling niya naging possessive na siya kay Phoebe pagkatapos ng mga nangyari sa Italy.

 

 

 

Bakit may halik pa?? Nakakabadtrip… Pshh. Keep your cool Kent… Haie. Bakit ganito. Nakakainis. Dapat ba hindi ko na lang sila pinagusap? Haie ang selfish ko…

 

 

 

Nang makita niyang papaalis na si Phoebe ng gym ay dali-daling umalis si Kent.

 

 

 

Tsss. Ano bang ginagawa ko… Mabuti nang hindi niya ako makita na nandito. Naisip ni Kent at nauna na siyang bumaba. Naiinis siya pero alam niyang nasa mali siya.

 

 

*

 

 

 

Natapos na ang klase at may kaunti pa ring tumitingin tingin kay Phoebe kapag naglalakad sa hallway.  Nauna silang pinalabas. Ang balak niya sana ay hintayin si Kent sa tapat ng classroom nito pero nao-awkward siya lalo na’t nandoon din sina Elisa, at si Harley.

 

 

 

Naghintay sila ni Jhone sa baba.

 

 

 

“Nga pala Fibboy, yung Philip? Paano siya?” paalala ni Jhone

 

 

 

“Hala oo nga. Di ko nga alam eh. Tsk! Ayaw naman ako samahan ni Kent.”

 

 

 

“Puntahan natin mamaya yung kuya Philip. Naiintriga ako eh!”

 

 

 

“Tayo? Paano? Eh ihahatid nga ako ni Kent sa bahay…” sagot ni Phoebe

 

 

 

“Eh di pahatid ka… Maghihintay naman daw yung Philip diba? Sunduin kita.”

 

 

 

“Talaga??? Waaah Sige Sige samahan mo ako kay Philip.”

 

 

 

“Parang excited ka naman! Gwapo ba gwapo?”

 

 

 

“Si Jhone parang tange… di naman siya yung habol ko, yung sasabihin niya!”

 

 

 

“Pero gwapo nga ba?” pangungulit ni Jhone

 

 

 

“HINDIIII!!! Si Kent lang ang gwapo!!!”

 

 

“Ay patay na talaga ako sayo… Tsk… Lasing ka ba? Baliw na baliw ka kay Kent? Sabi nila beauty is in the eyes of the beer holder hahaha. Patay na ako wahahaha Lasheeng ka!!” sobrang animated ni Jhone. Akmang inuuntog nito ang sariling ulo sa pader.

 

 

“Baliw hahahaha!” natatawa si Phoebe sa kaibigan. “Magtigil ka nga mukha kang baliw diyan haha.”

 

 

Habang nagbibiruan sila, saktong bumababa si Elisa. Tumingin ito kay Phoebe, at lumipat ang tingin nito kay Jhone na naguuntog sa pader.

 

 

“The hooker and the freak…” mahinang sabi nito pero sapat na para marinig nila Phoebe.

 

 

“Grrr!!! Sasabunutan ko na  yung babaeng yun Phoebe!!!” gigil na gigil si Jhone. “Pigilan mo ako pigilan mo ako Fibs!”

 

 

“Bakit kita pipigilan?! Go!!!” matabang na sabi ni Phoebe. Naiinis na rin kasi siya kay Elisa. Kung hindi lang dahil kay Kent dati, nasabunutan niya na sana ito. Pero mabilis na naglakad si Elisa papalabas.

 

 

 

Pagkatapos nun, pababa na rin si Kent.

 

 

 

Hmmpf. Parang hindi na sila nasanay kay Kent. Ang lalagkit pa rin tumingin ng mga babae pshhh. Naisip ni Phoebe dahil parang ewan pa rin ang mga estudyante ng school kapag nakikita si Kent.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (540)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

cast undisclosedas cast undisclosed

Who's Reading

Recommended