Previous Page of 3Next Page

Taming a Lioness

Dedicated to
xiopawpaw
spinner.gif

Ang naka italicize ay konting PoV ni Leandro.

 

TAL. 06.2 -- The hidden story

 

Holy cow.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari few minutes ago. Ngayon ay nasa private office ko na kami. Si Leandro, si Daryl, at.. Ang twin sister ko.

Napasapo ako sa noo ko at animo sasabog na ito dahil hindi ko talaga mapiga ang isip ko kung paano nangyari ang ganito.

Tumaas muli ang tingin ko sa tapat ko at nagtama ang mukha namin ng babaeng kamukha ko. At ayan na naman ang pamilyar na kabog ng dibdib ko. Ito ba ang tinatawag na lukso ng dugo? Posible ba mangyari 'yon sa magkapatid? Ang alam ko kasi sa pagitan ng anak at magulang lang ito.

Ilang segundo kami nagtitigan at sabay lang na napatingin sa gawi  ni Leandro ng tumikhim ito. 

"I guess, I owe you an explanation, Cassandra." hindi sya makatingin sa akin ng deretso ng sabihin ang mga katagang ito. Nanatili namang tahimik lang sa tabi ko si Daryl. Naramdaman ko na lang ng pisilin nya ang palad ko bilang pagbibigay suporta.

 "Totoo na may kakambal ka." panimula nito. Hindi na ako ganoon nagulat sa sinabi nya. Kanina lang siguro nung nasa board room. Ngayon hindi na eh. Siguro dahil hindi naman talaga maikakaila na kambal kami.

Paano ba namang hindi,  we have the same bulit. Matangkad lang siguro ako sa kanya ng isang pulgada. Pareho kaming makinis lamang nga lang ang kaputian ko. And those eyes.. Parehong kung makatingin parang sa isang inosenteng bata. Hindi ko lang masabi na kung katulad nga din ba sa akin na pwedeng makapandaya ang mga mata. Ang sa akin, mukha lang inosente na walang laban sa mundo.

Pareho din kaming sexy. Well, for her to do such videos, dapat nga siguro talaga na sexy sya para naman kaaya-aya sa mga kalalakihan.

Nakaramdam ako ng hindi pamilyar na pakiramdam para sa kanya. Baka naman may dahilan sya kung bakit may lumabas syang video na ganoon. Maraming possibilities. At dahil kapatid ko sya, hindi ko sya huhusgahan kaagad.

Muling bumalik ang atensyon ko kay Leandro ng muling magsalita ito. "Cassandra, hija, sorry for not letting you know."

Napangiti ako ng mapait. "Kailan ka ba naging concern sa mararamdaman ko, Leandro?"

Bumakas ang gulit sa kanya ng marinig ang sinabi ko. "I thought hindi na mahalaga pa na malaman mo."

I know bakas na bakas ang sarcasm sa tono ko ngayon. But the hell I care! Kahit kailan lagi na lang nya akong sinasaktan. "Hindi mahalaga? Really? Kailan pa hindi magiging mahalaga sa isang tao na malaman na may kapatid sya?" nakaramdam na naman ako ng galit sa kanya. Kahit kailan, napaka walang kwenta nyang tao.

"That's not it. We only did this para matahimik ang pamilya natin."

Humigpit ang hawak ko kay Daryl. Hindi din muna ako nagtangkang magsalita kaya dumaan ang ilang sandali ng nakakabinging katahimikan na tanging ang maririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko. I really didn't know Leandro could be this heartless. This is beyond acceptance. Kung noon hindi ko na magawang mapatawad sya sa mga ginawa nya, lalong-lalo na ngayon.

I loathe him!

Nang maramdaman siguro ni Leandro na hindi ako magsasalita ay sya na muli ang nagpatuloy. "Before your mom and I got married, nakabuntis ako ng iba. Her name is Angeline." pagpapatuloy nya na parang nahihirapan alalahanin ang lahat. "Hindi ko sinasadya ang pagkakabuntis sa kanya."

"Yeah right." sarkastiko kong singit na hindi na lang binigyang pansin ni Leandro.

Matama namang nakikinig lang si Chanel at Daryl sa sinasabi ng lalaking ito. "Everything was set that time. Ang kasal namin ng Mama mo, alam na ng lahat ng nasa alta sosyedad,  the gowns, the church, everything was set na tanging ang itinakdang araw ang hinihintay ng lahat. Hindi naman kaila sayo na ang kasal namin ang tinagurian noon na wedding of the year because it was really beyond perfection. Nang isang gabi ay dumating si Angeline at sinabing buntis sya at ako ang ama ng  ipinagbubuntis nya." pasumandali syang tumigil at tila inaalala ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.

"She was never my girlfriend. What we had was just a one night stand. Nalasing ako dahil nag away kami ng matindi ng Mama mo at sya ang kasama ko ng gabing iyon. May nangyari sa amin. At hindi ko naman inaasahan na magbubunga ang isang gabing kapusukan na iyon."

"And then what?"

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (36)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

TAL. 06.2-- The hidden story

Cast

Sasaki Nozomias Cassandra Aragon
Lee Min Hoas Daryl Montenegro

Who's Reading

Recommended