4: HULI KA TABA

14.6K 269 34
                                    


^Hanz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Hanz

****

Chapter 4 — Huli Ka Taba


Kelly's Point Of View

Nandito kami ngayon sa library, nag-aaral para sa paparating na exam. Next week na kasi ang midterm exams.

As usual, kami lang ulit ni Ella. Wala na naman si Mayka, naunang umuwi dahil may pinapagawa na naman daw si Mrs. Fuertes. Ano kaya ang pinapatrabaho ng mommy ni Mayka sa kanya. Documents sa business? May alam ba siya sa ganung bagay?

"Kelly!" muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang may tumawag sa akin. Napatingin ako sa entrance ng library nang nadatnan si kuya na kasalukuyang sinita ng masungit na librarian. Iyan kasi, sumigaw ka pa.

"Sorry po." pagpapaumanhin niya kay Mrs. Cel at lumapit sa akin. Pumwesto siya sa likuran ko. "Kelly."

Tumingala ako. "Anong kailangan mo?"

"Hehehe." maloko niyang tawa. "Pasabi kay daddy na male-late ako ng uwi ngayong gabi ha?"

"Bakit? Saan ka pupunta?" taas-kilay kong tanong.

"Birthday ng ka-member ko sa team. Magpaparty daw siya. Of course, invited ako."

"Saan? Sa strip club?" walang interes akong tumingin sa kanya at inayos ang salamin ko.

"Ay, grabe siya oh." Lumayo pa siya sa akin at tinignan ako na parang baliw. "Ang judgemental mo. Sa bar lang."

"Sa bar na may mga bugaw at mamasang?"

"Hindi. Puro mga hotbabes ang nandoon." he said as he wiggled his brows. Ang manyak talaga ng lalaking yon.

"Hotbabes naman pala ang hinahanap mo, eh doon ka sa mga pagawaan ng lechon baboy kung babe lang pala ang gusto mo." sabi ko at inirapan ko siya.

Ayoko talaga sa kanya kapag ganyan siya. He's still young but he's already a jerk.

Mabait si kuya kaya naiinis ako tuwing may inuuwi siyang babae sa bahay at doon pa sila gumagawa ng milagro. Minsan naman kapag nandyan sila mom at dad ay sa hotel lang sila. Mabuti nga at wala pa siyang nabuntis. Ayoko pang maging auntie.

"Eto naman oh," lambing niya sa akin at pinatong ang baba niya sa ulo ko. "Walang babae sa amin, okay? Sige na please. Cover mo ako kina daddy."

Nagkataon kasi na umuwi sila dad at mom kahapon pero ang alam ko aalis rin sila in a week.

Bumuntong hininga ako at tumingala ulit. "Walang ungol mamaya ha?" Nandidiri kasi ako tuwing naririnig ko sila kapag dumadaan ako sa kwarto niya. Dinig na dinig sa hallway eh.

"Promise, tahimik lang kami mamaya." asar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hehehe, joke. Wala nga kasi kaming babae mamaya. Guys' out nga diba?"

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon