EPILOUGE

90K 1.3K 259
                                    

5 YEARS LATER...

 Limang taon na ang nakalipas…

Lixien give up her career to be with Clyde…

They’ve been married 4 years ago…

And happily living together…

**********

VINCE POV

Ipinark ko ang sasakyan ko sa may tapat ng 7-Eleven para may bilhin sa loob.

Pagkapasok ko kinuha ko na kaagad ang kailangan ko at nagdiretso sa counter.

Napansin ko naman ang isang babaeng umiiyak sa may sulok at nakatanaw ito sa labas.

Humingi ako sa counter ng isang note at humiram ng ballpen.

Nang matapos na akong magbayad ay dumiretso na akong lumabas.

At nang makalabas ako ay pumunta ako sa tapat nang babae at may ikinapit na Note sa may glass na mababasa nito.

“There’s always a rainbow after the rain. ;)”

Yun ang nakalagay sa Note natawa naman ako sa isinulat ko at nagdiretso na papasok sa sasakyan ko.

Sobrang traffic. Naku naman male-late na ako sa appointment ko nito.

Panay ang busina ko sa pagkainis ko. Nakakabadtrip.

May mga nagsitawidan naman sa gitna ng Traffic.

Nagulat naman ako ng may magkapit na isang note sa window ng kotse ko.

"Negativity will only make you feel bad, so chin up, smile on your face, and show the world you can do anything. ;))”

Yun yung nakalagay sa Note ay napangiti na lang ako at tinanaw ang babaeng nagkapit nito sa kotse ko.

Lumingon naman ito sa gawi ko at ngumiti. Lalo naman akong napangiti ng makita ito, siya yung babae sa 7-Eleven.

Napansin ko naman na nakasuot ito ng Uniform ng Kangnam International.

Kinuha ko yung Note sa labas ng kotse ko. At nang umusad na ang trapiko ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko. Till we meet again…

+++++                      LOVE NOTE                      +++++

XIEN POV

Nagpapahangin ako dito sa building na katabi lang ng kumpanya namin.

Hindi ko na makayanan ang trabaho.

Idagdag pa ang pagpe-pressure sakin ni Dad. 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. 

Nagulat naman ako nang may dumagil saking babae at bigla na lang akong niyakap.

Kasabay nun ang isang commotion at nagtatakbuhang mga nakayunipormadong lalaki na mukhang may mga hinahanap.

Sa dami nila pati ang mga tao sa paligid ay naaalarma.

Gulat parin akong napatingin sababaeng nakayakap sakin. Who the hell is she? Baka naman kaya siya ang pinaghahanap ng mga lalaking ‘to. 

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon