Elaine
Nag-ayos siya ng gamit at pumunta na kami sa parking lot. Nung nakita ko yung kotse niya, napa-wow na lang ako. Edi siya na may magandang kotse. Hindi ko alam yung pangalan nung kotse eh.
"Wala ka bang balak sumakay?" tanong niya. Ayan, nagiging masungit nanaman 'tong lalaking 'to.
"Sasakay na nga eh." Nung nakasakay na kami pareho, he started to drive.
"San tayo?"
"Diamond Village. Ph 1 Blk 18 Lot 26."
Awkward silence follows. Nung nakarating na kami sa bahay, pinapasok ko muna siya since mag-eexplain pa nga siya.
"Hi ma." bati ko sabay kiss kay mama.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi? Nag-alala ako ng sobra sa iyo! Bakit hindi ka man lang nagtext?"
"Mama, chill." Nung nagchill na si mama, pinakilala ko na si Dylan.
"Ma, si Dylan nga po pala. Classmate ko. Na-lock po kasi kami kahapon sa Music Room at na kay Mich naman yung phone ko."
"Totoo po yun, tita. Kakalabas lang po namin kaya hinatid ko po siya agad dito para po mabawasan ang pag-aalala niyo." tapos kinwento nya yung ibang nangyari.
Mukhang na-convince naman namin si Mama. "Ganun ba, naku, maraming salamat Dylan ah. Buti di mo pinabayaan 'tong anak ko."
"Ahh. Wala po yun tita." sabi niya tas ngumiti. Ang gwapo talaga oh!
"Iho, dito ka na lang kumain. Since di ka nakakain kagabi ng maayos. Okay lang ba?" sabi ni Mama then she looked at me at nakangiti sya. Mother knows best talaga. Haha.
"Okay lang po. Hehe." Ang galing talaga mangumbinsi ng Mama ko! Hahaha.
Habang naghihintay sa pagkain, nanood muna kami ni Dylan ng Spongebob. Favorite show ko. Haha.
"Favorite mo ang spongebob?" tanong niya. Nakakabigla naman 'to. Bigla biglang nagsasalita.
"Oo. Hehe. Ang cute noh?"
"Nga pala, please don't think na good vibes na tayo dahil sa nangyari kagabi. Okay?"
"Tss. Ang arte mo naman. Ako na nga nakikipagfriends sayo eh."
"Anak, Dylan, kain na kayo." sigaw ni Mama from the dining room.
Chicken Curry ang ulam namin. Yum. Favorite ko pa! Habang kumakain, nagkwentuhan lang naman sila Mama at Dylan.
"So, Dylan. Pwede ko bang malaman kung ano trabaho ng parents mo?"
"Ah, si Mommy po, architect. And my dad is an engineer." edi parents niya na may bonggang trabaho.
"Woow. That's very nice. May kapatid ka ba?"
"Meron po. Dalawa po. Isang babae at isang lalaki. Parehong nakababata. Si Lyka and Rico. Some other time po tita, iimbitahan ko po kayo sa bahay."
"Oh. Thank you! I'll be delighted to come forward to that." wow. Nag-eenglish pa ang Mama ko. Hahah.
Nung tapos na kami kumain, nagpaalam na si Mama kay Dylan and Dylan did the same. Hinatid ko siya hanggang sa gate namin.
"Ingat ka ha. See you on Monday!" sabi ko naman.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists