"Picture tayo classmates!" alok ni Mich sa mga classmates namin. Siya nga pala ang best friend kong maganda. Shempre, mana sa akin! Haha.
Sino ako? Ako lang naman si Elaine Sanchez. Junior HS. At yan si Mich, ay ang aking best friend for 7 years. :)
"Elaine! Picture tayo!" at ako naman ang napagtripan nito. Hinila niya ako at pinaakyat sa platform ng room at dun kami nagpicturan.
"Sama ako!" sigaw ng isang lalaki. Yun naman ang isa kong best friend, pero lalaki. Si Kurt.
*Click* "Yay! May picture na din tayong tatlo!" sigaw ni Mich.
Biglang dumating yung adviser namin kaya nagbalikan kami sa mga upuan namin.
"Class, I have noticed that it's getting noisy whenever I have my discussion in here. The other subject teachers also noticed that. Since you're not arranged in alphabetical order, I'll rearrange you that way."
Everybody gasped and murmured. 'Choose your own seats' kasi nung first day.
"Anyone who reacts?" Walang sumagot. Terror teacher naman kasi yung teacher namin. Sa bagay, matanda na. Haha. Sama ng ugali ko noh? X))
"Ms. Sanchez, please sit here, beside Mr. Rodriguez and Mr. Santiago." Okay, ako na napag-gitnaan ng dalawang lalaki. Si Kurt pala yung isa kong katabi. Buti naman.
"Hi Elaine." Ngumiti lang ako. Tinignan ko yung isa kong katabi.
"Hi! Ako nga pala si Elaine. May I know your name?"
"Tss. You don't need to know it." Ang taray ni Kuya!! Nagtatanong lang naman ako ah?!
"Tss. Sungit naman."
"Okay, since were done rearranging your seating arrangement and we have 30 minutes left, we'll have our election today."
Pssh. Wala naman akong pakealam kung sinong manalo dyan sa election na yan.
"I nominate Elaine Sanchez for muse." bigla ko na lang narinig. Hala ka. Nilingon ko yung nagnominate sa akin. Si Mich. Hay nako, baliw talaga.
"Okay, Girls who were nominated please stay here in front so that we can judge you fairly."
Tsk. Ang gaganda naman ng mga kalaban ko. Paano pa ako mananalo nito?!
"Who votes for Elaine?.....okay 15." Oh my. 15 votes? Saan nanggaling yun?! Baka naman sinet-up ako ng mga 'to ah! Patay ka talaga sa akin Mich pag set-up lang 'to!
"And the winner is......Elaine!"
"Ang ganda mo! Woooh!" sigaw ng isa kong classmate. Flatter much naman si ako :)
"Congrats, Best!" sabi ni Kurt.
"Salamat, magpanominate ka din, para ikaw escort ko." hirit ko naman.
"Isang prinsesa ka at ako'y hamak na kawal lamang. Anong laban ko sa mga gwapong nilalang na makakalaban ko?"
Ang drama ng best friend ko. "Sus. Shempre, ikaw pa rin ang the best na partner for me. Best friend kita eh!" pinisil ko yung cheeks nya. Napa-aray naman sya. Hahaha.
Nagnominate na sila para sa magiging escort ko. Nanominate naman si Kurt, so yey! Pati rin yung isa kong katabi. Dylan ata yung pangalan.
At alam niyo ba? Shempre hindi kasi sasabihin ko pa lang. Haha, anyway, yung iba kong classmate, ninominate ang sarili. Mga addict eh. Hahaha.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists