45: Ms. Campus

3.5M 79.7K 54.3K
                                    

"Ready ka na?"

Ready? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon? Huhu.

"Sir Jason, kinakabahan ako, e."

Napatingin silang lima sa 'kin. Ang sasama ng tingin, anong magagawa ko? E, sa kinakabahan talaga ako, e. Tsamba lang naman ako noong pre-pageant, e. Huhu pwede pa bang mag-back out?

"Candice, nag-practice na tayo sa paglakad mo, 'di ba? Huwag kang kabahan." Inayos ulit ni Ate Serina 'yong mga susuotin kong damit, accessories at sapatos. Hindi lang basta sapatos. High-heels, mga six inches lang naman.

"Alam mo, Candice, after ka namin lagyan ng makeup ni Salt, it will boost your confidence." Inayos naman ni Pepper 'yong buhok ko habang si Salt, nilalagyan ng glitters 'yong katawan ko. Wish ko lang, hindi ako mangati mamaya. Sana nga, ma-boost talaga.

"And don't forget na napakarami mong supporters mamaya, Candice! Ako 'yong number one na mag-cheer sa 'yo!" May hawak pang pom-poms si Tiffany. Dapat hindi pa siya uuwi ng Pilipinas pero umuwi raw talaga siya para masuportahan niya ako. Ang sweet talaga niya, may pasalubong pa siya sa 'king libro.

"Yes, kaya, Candice, huwag ka nang kabahan."

"Hays, okay po, Sir Jason. Thank you talaga sa inyo." Buti na lang, nandoon sila para suportahan ako. Sina Mama at Yaya hahabol daw mamaya, nagbe-bake pa kasi sila ng sandamakmak na brownies para sa buong Section Eleven tsaka sa 'min. Akala mo naman, mananalo ako.

Isang oras na lang, magsisimula na 'yong pageant. Half-day lang 'yong class dahil sa Miss Campus kaya for sure, maraming manonood mamaya. Wish ko lang, hindi ako magkalat do'n. Mas nakakakaba pala 'yon kesa sa pre-ageant. Kumusta naman 'yong walo na lang kami? Huhu.

Lahat sila, todo-ayos sa 'kin. Pati mga susuotin ko mamaya, ayos na ayos. 'Yong Section Eleven nasa ibang room, may surprise daw kasi sila sa 'kin. Ang dami nilang alam pero excited akong malaman kung ano 'yon.

Noong natapos na kaming mag-ayos, parang hindi ko na makilala 'yong sarili ko. Ang taray ng lola mo! Long black dress na high slit at kita 'yong hita. Medyo fitted pa siya kaya kita ang curves talaga. Puro silver accessories, mula sa necklace, earrings tsaka bracelet. Tapos kumusta naman 'yong six-inch heels ko? Grabe, huhu, sasakit na naman ang paa ko. Tiis-ganda ba talaga kapag sasali ka sa mga beauty contest? Sana last ko na 'tong sasalihan. Ayaw ko na po.

"Ang ganda-ganda mo, Candice! Pak na Pak!" sabi ni Sir Jason.

"Grabe, nganga silang lahat sa beauty mo, Candice! Buti na lang success 'yong ayos namin sa 'yo ni Pepper." Nag-apir pa silang dalawa.

"Yeah! That's my girl. You're so beautiful and gorgeous, Candice."

"Thank you. Thanks, Ate." Humarap ulit ako sa salamin, ang ganda ko nga. Super layo ko na talaga sa dating ako.

"Pupuntahan ko na muna 'yong Section Eleven. Good luck, my pretty best friend."

"Thanks, Tiff." Tama, kaya ko 'to. Aja!

Dumiretso na kami sa stage, baka ma-late pa kami, e. Habang naglalakad kami sa corridor, nagtinginan sa 'kin 'yong mga estudyante. Hays, nakakahiya, baka napangitan sila sa suot ko! Huhu kumusta naman 'yon? Para na nga akong natutunaw sa tingin nila.

Bago pa kami nakadiretso sa stage, lumapit sa 'min 'yong buong Section Eleven.

Wow.

Nakasuot sila ng shirt na may mukha ko. Saan nila nakuha 'yang picture ko? Buti na lang, maayos ang hitsura ko roon, huhu. May hawak din silang pom-poms! Muntik na akong matawa. Tapos may dalawa pa silang drums. Akala mo, magchi-cheer lang sa basketball, e. Ang laki pa ng banner nila, may tarpaulin pa. Nakalagay "GO, CANDICE!" tapos may drawing pa ng mukha ko. So 'yon pala ang surprise nila? Waaah, na-touch naman ako.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon