Chapter 48- Pretend

68.7K 701 86
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

----------------

Elle's POV

Sobrang bilis ng panahon. Hindi ko namamalayang ilang araw... ilang linggo... ilang buwan na pala kaming kasal ni Ethan.

Parang kahapon lang kinasal na kami tapos bigla nalang nagising ako at nakaramdam na malapit na akong mamatay.

Kahit naman hindi nila sabihin, alam ko at nararamdaman ko na malapit na ako mamatay but I'm still fighting...

May mga times na pinanghihinaan ako ng loob...

At napapagod....

Pero....

Sa tuwing nakikita ko si Ethan...

Gusto kong lumaban...

Gusto kong mabuhay pa...

Gusto kong makasama pa siya ng mas matagal....

"Ayaw ko niyan, gusto ko korean movie."

"Wag na yun, hindi mo naman naiintindihan yun e. Eto nalang, action! Maganda!"

Eto nanaman kami, nagtatalo. -____-

Kanina kasi, tinanong niya ako kung anong gusto kong panoorin tapos nung sinabi kong korean movie ayaw naman niya. Ayos din no? Nagtanong pero kokontrahin din. -____-

"Ayaw ko niyan! May namamatay." Biglang napatigil si Ethan nung narinig niya yung 'namamatay'

"Sige na nga, korean movie nalang." Kung kanina galit yung boses niya, ngayon naman sobrang sweet.

Tumango nalang ako at sinaksak niya na yung DVD sa DVD player na dinala niya. Bawal na kasi ako mapagod ngayon kaya hindi na ako pinapayagan lumabas kaya nagdala nalang siya ng ganun para hindi ako mainip

Feeling ko nga, yung chemo ko walang epekto e.

Umupo si Ethan sa tabi ko at hinwakan yung kamay ko...

Kahit kasal na kami, hindi parin kami nakakapag-tabi sa kama kasi hindi kami kasya dito. Maliit lang kasi ang hospital bed. Oo, hindi na ako inuuwi sa bahay. Napagdesisyonan ko na dito nalang mag-stay kasi ganun din naman, hihimatayin lang din naman ako at dito lang din ako dadalhin.

Pinapanood namin ngayon yung A Millionaire's first love. Kung titignan mo, parang parehas lang kami ng storya. May mamamatay at may maiiwan, ang pagkakaiba lang namin ay hindi siya lumaban. Hinintay niya lang yung snow tapos namatay na siya, siguro yun na yung signal niya...

Ako kaya?

Ano kaya ang magiging signal ko?

Ethan's POV

"Elle, wag mo akong iiwan ha?" Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Elle

"Oo, pangako." Ngumiti siya sakin at inbinaling ulit ang kanyang tingin sa TV kasabay ng  tumulong luha galing sa mga mata niya.

*If I could just die in your arms* <--- Ringtone ni Elle

Inabot ko sa kanya yung cellphone niya at sinagot niya ito.

"Hello." Sabi ni Elle habang kinakabahan yung boses

"Yes." Tumango tango pa siya. Sinenyasan ko siya na i-loudspeaker ito pero ayaw niya.

"I'm still here in the Philippines." Umi-english, siguro taga California yung kausap niya.

"WHAT?!" Bigla siya napasigaw

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon