Chapter 6.3.3

94.1K 1.8K 28
                                    

Published: July 7, 2013

CHAPTER 6.3.3

XIAL ANDREW's POV

Nang mga sumunod na araw ay naging mas komportable na kaming magkasama sa kwarto.  At ngayon nga ay napagpasyahan naming lumabas muna at mamasyal sa city.  As expected, she enjoyed strolling around.  Alam ko namang bago sa paningin niya ang lahat kaya't excited siya.

            "Nage-enjoy ka ba?"  Tanong ko pa habang hawak-kamay kaming  naglalakad sa park.  Kasalukuyan kaming nasa "Great America"  ang hawig na theme park ng Disneyland.

            "Oo naman!  Ang ganda kaya dito!"  Masayang sagot naman niya.  Nagiging natural na lang sa amin ang lahat.  Touching, hugging and even kissing in public.  Surprisingly, wala man lang awkwardness sa pagitan naming dalawa.  We're like a real couple.

            "Matagal din akong tumira dito.  Halos ten years din."  Pagkukuwento ko pa.

            "Talaga?  Kaya pala kabisadung-kabisado mo na ang mga pasikut-sikot dito 'no?"  Banayad pa niya akong hinila paupo sa isa sa mga benches doon.

            "Well, you can say that.  I kinda enjoyed staying here."  Iginala ko ang tingin ko sa paligid.  Kahit pa malamig ay ang dami pa ring mga tao ang namamasyal at sumasakay sa rides.  "Are you sure ayaw mong i-try ang rides?"  Tanong ko pa.  Kanina ko pa rin kasi siya kinakayag sumakay pero panay rin ang tanggi niya.

            "Okay lang ako. Wala akong tiyaga pumila."  Nakangiwing pag-amin din naman niya.

            "Maikli naman ang pila."  Nilingon ko ang pinakamalapit na rides.

            "'Wag na. Okay lang talaga."  Matamlay pang sagot niya.  "Grabe talaga sa lamig dito."  Naghimas siya ng mga braso na para bang lamig na lamig.

            "Halika nga dito."  Pinausad ko siya palapit sabay mahigpit na niyakap.  "One time turuan kitang mag-ice skate." 

          "Naku, baka sumubsob lang ako."  Nakangiting dinungaw niya ako sabay bahagyang umiling.

          "Don't worry, akong bahala sa'yo."  Kinindatan niya ako.  "Let's go home at mas lalong lumalamig, baka manibago ka, magkasakit ka pa." 

            Tumango lamang siya bilang sagot.  Kahit na kasi balot na balot pa ay ramdam talaga ang lamig ng panahon. 

Hindi naman din nagtagal ay nakarating kami sa bahay.  Agad na bumungad sa amin ang tropa nila Andrei na panay ang tawanan habang nag-iinuman.

            "Guys, join us!"  Nakangising kayag pa ni Andrei sabay hila sa kamay ko.

          "Hey, pass muna ako."  Nakangiwi  pa akong umiling at parang mas gusto ko na lang magpahinga.

            "'Wag ka ngang kj!  Mas okay 'yung nakainom, para mas mainit mamaya sa kwarto!"  Malakas pang sabi niya at agad na namula ang pisngi ni Timmy.  Wala ring preno ang kolokoy na 'to.

            "Lasing ka na, bro."  Bumuntong-hininga pa ako at nuknukan talaga siya nang kulit kapag nakakainom.

            "Sit down!"  Demand pa niya.  "Timmy come here!"  Sinenyasan pa niyang maupo si Timmy sa tabi ko.  Bakas ang pag-aalangan sa kanyang mukha pero wala lang ding magawa sa kakulitan ni Andrei.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon