CHAPTER 6-MY PERFECT WIFE (book 2) *A night of horror*

18.8K 188 32
                                    

                        MY PERFECT WIFE (book 2) chapter 6-*A night of horror*

    You are so blessed dahil hindi malabong makuha mo ang mga gusto mo, sa ganda mo ba namang iyan, mukha ka ring may matalino at may pinag-aralan,  pero ako Miss Emily Siya lang ang meron AKO.



KAYA HANGGA'T MAARI IPAGLALABAN KO SIYA....



KAHIT PA







NG PATAYAN....



Imbes na matakot siya sa sinabi ko ay mas nilapit niya pa ang sarili niya sa akin ng husto at ngumiti pa siya ng may halong pang uuyam.

Talaga? Kaya mo siyang ipaglaban? Hanggang saan? Paano kung malaman mong hindi naman talaga siya naging sayo kahit kailan?

Nilapitan ko din siya para malaman niyang hindi ako nag bibiro at lalong lalo ng hindi ako natatakot. Nang mga sandaling iyon ay sobrang napahigpit ang hawak ko sa sapatos.

At kanino siya sayo?- gamit gamit ko ang pinaka sarcastic kong tono upang ipakita sa kanya na nababaliw siyang talaga.

Miss Emily Ang taong pilit mong inaangkin ay asawa ko na.- mahina kong tugon pero idiniin ko ang salitang asawa ko na para marinig niya sakaling nabibingi siya.

Pero sa halip na maasar ay impit siyang tumawa habang nakatakip ng konti ang kamay niya sa kanyang bibig.

Stop imagining things and dont you dare think that you already know everything because you as hell don't! stupid!- madiin ang bawat salitang binitawan niya habang dinuduro ako sa dibdib ng medyo may kataliman niyang red finger nail, medyo napaatras pa nga ako ng konti sa ginawa niya.

Pero hindi na ako nakapagsalita, shock is the exact word, pinilit kong hindi mag pakita ng takot at galit , dahil kung may gusto man siyang sabihin ayaw kong marinig ito galing sa kanya.

Gusto mong malaman? Ask him. And believe me one of these days I'll see you running after me at pasasalamatan mo pa ako huh!

Inukulan ko na lamang siya ng matalim na tingin ito na lang ata ang pwede kong gawin I feel so helpless.

Matapos naming magtitigan ay nilampasan niya ako at kinutya pa niya.

You just look exactly like a stupid scared rotten raccoon!

Sabay bangga niya sa  balikat ko dahilan upang mapaurong ulit ako at nabitawan ko ang sapatos na hawak ko.

Kaya pinulot ko ito, sa pag kaka alala ko kanina lang ay sobrang higpit ng pagkakahawak ko dito sa sapatos na ito, Ganun din ba si Seph sa buhay ko? Na akala ko hawak hawak ko na pero sa isang iglap basta basta ko rin siyang mabibitawan.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon