Previous Page of 2Next Page

Opinion ko, Opinion mo, Opinion nating lahat.

spinner.gif

Ano bang dapat gawin pag bestfriend mo na ang napupusuan mo? :(
Alam niyo guys, last week pa ito nitanong sa akin ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataong masagot ito dahil kulang ako sa oras pag uwi ko galing sa school, bihis at kain tapos 7 PM pa lang tulog na ako. Sobrang pagod, at sinasanay ko na din ang sarili kong matulog ng maaga dahil sirang-sira ang body clock ko nitong summer. So anyways, tinatanong niya kung PAPAANO KUNG MAHAL KO YUNG BESTFRIEND KO ANO PO BANG DAPAT GAWIN?


HINDI KO ALAM =)))))))))))))

Dahil.... kasalukuyang MAHAL KO NA PO ANG BESTFRIEND KO NGAYON :)

Hahahaha omggg. Nakakatuwang isipin dahil LALAKI PA ANG NAGTANONG NITO SAAKIN. HINDI KO NA NGA SIYA MAHANAP DAHIL HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG USERNAME NIYA DI BALE PAG NAHANAP KO ID-DEDICATE KO SA KANYA ITO, PERO SIGURO MABABASA NAMAN NIYA ITO SO MALAMANG MAG C-COMMENT IYON. Haha.

May i-s-share ako sa inyo, sana basahin niyo.

Hindi ko na namalayan na medyo nagiging close na kami ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung kailan at saan. basta sa isang iglap *poof* mag bestfriends na kami. Actually ang laki ng problema ko dahil yung lalaking iyon ay may girlfriend na :( *awwwww*

Opo, may girlfriend na siya. At hirap na hirap kaming magusap sa personal dahil iniiwasan naming matsismis. Alam niyo naman sa school maraming tsismis na kakalat basta-basta. Alam ng lahat na close na kami ng lalaking iyon simula palang maging sila. NAGING SAKSI PA NGA AKO SA PANLILIGAW NG LALAKING YON SA GIRLFRIEND NIYA NGAYON.

Hindi kami nagkaroon ng ganong time para sa isa't isa.. dahil yung kaibigan niya ay BOYFRIEND ko nong panahon na iyon... Magulo ba? Hindi naman diba? :)

Kaya kami naging close ng lalaking iyon ay dahil BESTFRIEND SIYA NG BOYFRIEND KO. Nung naghiwalay kami ng BOYFRIEND ko... Dun na nagsimula na gumagaan na ang pakiramdam ko.. siya yung nagc-comfort sakin, siya rin nagsasabi sakin na "tama na" ... medyo complicated din kasi ang naging relasyon namin ng boyfriend ko.. i mean ng EX boyfriend ko noong panahon na yon.. masyado pa kaming BATA siguro.. I mean..Handa na ako.. pero siya HINDI PA. Yung tipong hindi niya alam kung papaano pahalagahan ang isang BABAE bilang GIRLFRIEND niya ganon.. kaya naghiwalay kami ng BOYFRIEND KO.

After ilang months nagkaroon na ng Girlfriend yung Bestfriend ko (na bestfriend din nga nung ex-bf ko) umamin siya sakin na noon daw nagka gusto siya sakin. Well.. hindi na pwede ngayon dahil may girlfriend na siya..

Malas lang dahil hindi kami pwedeng maging mag-couple. Nakakahiya naman diba? Kasi same school lang kami, yung EX ko yung BESTFRIEND ko at yung GIRLFRIEND ng Bestfriend ko. So kakalat ang balita kung sakaling may mangyari.. ganon.. kaya mas pinili namin na maging mag bestfriends nalang. Hindi naman kami awkward, masaya siyang kausap as in.

Ngayon yung EX ko, magkaibigan parin kami. NO HARD FEELINGS =))))) Ka-chat ko parin siya hanggang ngayon..

Kaya nga lang, may mga problema kami ngayon :( dahil ayaw sakin nung girlfriend ng bestfriend ko. kumbaga para ako'ng threat sa kanya.. naging magkaibigan kami dati.. pero.. hindi kami gaanong close.

Ang ironic nga e. Haha kasi noon siya yung pinagseselosan ko kasi close sila ng boyfriend ko (na ex ko na ngayon ; yung kanina kong tinutukoy ; apat na tao lang kami dito sa kinukwento ko) ngayon naman ako yung pinagseselosan nung babaeng iyon dahil close kami ng boyfriend niya. Hahaha nakakatawa

--

Hindi maiiwasang magkagusto tayo sa bestfriends natin. Hindi naman natin kasalanan kung bigla nalang tumibok ang puso natin sa taong iyon eh malas nga lang dahil BESTFRIENDS lang kayo.

Maraming isasacrifice.. yung pagkakaibigan niyo. Kasi sa panahon ngayon bihira nalang yung mag bestfriends na pag naging sila tas nag break sila e magiging friends padin sila. BIHIRA NA MGA GANON NGAYON. Madalas kasi pag naging sila nung bestfriend nila pag nag break sila, back to strangers. Lol bitter pa din. Ganon kaya mahirap dahil 50/50 ang pag-asang magtatagal kayo o hindi.

Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin yung tinanong sakin dahil ni miski ako HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO. kahit syempre may SELOS factor eh wala naman akong magagawa. Haha wala akong karapatan dahil hamak na bestfriend lamang ako nung lalaking iyon. HINDI AKO ANG GIRLFRIEND.

--

Sa mga lalaki dyan na nagbabasa nito, na nagkakagusto ngayon sa bestfriend nilang babae. Pagisipan niyo muna.. Wag kayong padalos-dalos, baka mamaya nahulog ka lang dahil nilandi ka, o baka naman nahulog ka lang dahil sweet siya sa personal at sweet din siya sa text pero yun pala sweet din sa iba ( sabi nga ni LC: MAS SWEET PA PALA, PUNYATERA! ) Haha. So yon alamin mo muna kung MAHAL MO NA BA TALAGA SIYA.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (3)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended