Chapter 5

919K 13K 683
                                    

I never thought that it was possible to feel like dying when you're still breathing and alive. Ilan araw din akong namuhay sa kahihiyan, takot at pangamba. It's nearly been a week, I was waiting for them to fire me. Paano ba naman kumonti ang pinapagawa saakin, it only meant they were not trusting me anymore. Kaya kahit si Romeo at Rose ay natakot din sa nangyari. They said it wasn't normal, the bosses here would be quick to remove someone if they made a mistake or been caught of disrespectfulness. Kaya habang hindi pa sigurado, iniwasan muna namin mag-usap about work related kapag lunch break.

Tumawid na ako sa pedestrian lane nang mag-green ang stop light. Nauuna kasi ako palaging bumalik sa dalawa, one thing I'd learned about working, ayoko na may napupuna saakin kahit tama naman ang ginagawa ko. Unless it was really something to be change of.

I was about to run to the huge building when a hand stopped me from running. "Ay, Mr. Esqueza!"

Someone laughed. "Seryoso, Mr. Esqueza?"

It was the guy who helped me during my first day. He was wearing a black pants and a white t-shirt while holding a magazine. Pinagtitinginan siya ng mga taong papasok nadin sa opisina.

Tinanggal ko iyong kamay niya sa balikat ko. "Kinabahan naman ako sayo! Muntikan na ako magka-heart attack!"

He was giggling. "Mr. Esqueza? Crush na crush mo ba iyong boss mo? Wala kapa atang isang linggo dyan iba na nababanggit natin ah," sabi nito at nilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon.

"Feeling close! Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" I asked, trying to ignore what he just said.

"Ikaw lang ba may karapatan magtrabaho? Nasaktuhan kong may naglalakad na duwende."

Nanlaki ang mata ko. "Kapal mo sa duwendeng part, average itong height ko!"

Ipinangtakip niya iyong magazine sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nito. "Oo na, papaliwanag natin iyan sa baranggay."

Inirapan ko siya, medyo naiinis sa mga sinasabi niya. "Pahiram muna niyan!" Hablot ko sa magazine sabay takbo papalayo sakanya.

"Oy, h'wag iyan!"

Tumatawa akong pabalik sa building at hindi na siya binigyan ng pansin. Pagkapasok ko, marahan kong itinaas iyong magazine sa mukha ko. Para akong kriminal na nagtatago dahil baka may makakilala saakin at ipahuli sa pulis.

Wala pang ibang tao dahil maaga akong bumalik. Nanigas ang buong katawan ko nang may narinig ako na nag-uusap, it was Mr. Esqueza! Shit. May kasunod siya na ibang businessmen and his bodyguards were beside him and also his assitant.

I almost broke my neck while shying my head away and hid behind the magazine I was holding. Their voices were close to where I'm standing, I didn't bother to move or even look. Hindi naman sila gagamit ng ordinaryong elevator na ito, kaya alam kong maliit ang tyansa na mapansin niya ako.

"We have to set a high marketing strategy upon releasing this product, a strategy that's never been done before. Where we can catch the people's attention, leaving them remembering it," boses ni Mr. Esqueza ang nagsasalita.

"I agree, we can also hire more people to promote this product through their social medias. It's one of the most powerful tools nowadays," aniya naman ng kausap.

"Indeed," maikling tugon ni Mr. Esqueza.

They were talking robotically while I was still hiding behind this magazine. I got paralized when I inhaled a familiar scent near me. Dahan-dahan kong ibinaba ang magazine sa bibig ko at sumilip, Mr. Esqueza was standing infront of me pushing the elevator button.

"Is your lunch break over?" he asked, raising a brow.

I smiled awkwardly. "Yes, sir. Katatapos ko lang po."

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon