Chapter 30 (August 11, 2011)

1.4M 19.1K 3.3K
                                    

DATE POSTED: August 11, 2011


Chapter 30

"Psh napagod ka?" bulong ni Kent. Pero mukhang pagod nga ang asawa dahil nakayakap lang ito sa kanya at hindi nagsasalita.

"Huy engot..."

"Mmmmm!" sagot ni Phoebe.

"Mahal mo ako?" bulong ni Kent.

"Mahal..." maikling sabi ni Phoebe.

"Pano??" tanong ni Kent habang hinahaplos haplos niya ang buhok ni Phoebe.

"Ehhh!" sabi ni Phoebe.

"Kelan mo pa ako minahal?" tanong ni Kent.

"Bakit ba?" nahihiyang tanong ni Phoebe

"Sagutin mo na engot!!!"

"Kung makasabi ka lagi ng engot ah!" nagtatampo si Phoebe.

Akmang tatalikod na si Phoebe pero pinigilan siya ng halik ni Kent.

Parang automatic naman na umakyat ang kamay ni Phoebe sa ulo ni Kent.

They savoured each other's mouth. Halos maubusan sila ng hininga ng magbitiw.

"Subukan mong tumalikod ulit engot ka, hahalikan kita hanggang sa mamatay ka!" sabi na naman ni Kent.

"Mukha ka kasing engot! Engot ba talaga ako?" nakasimangot na si Phoebe.

"Hwag ka na nang sumimangot! Engot ka naman talaga, mahal mo na pala ako di mo sinasabi"

Nahihiya naman si Phoebe sa topic nila.

"Di ko alam... basta... ganun eh.  Kahit ang sungit-sungit mo! Kahit palagi mo akong pinapahirapan sa buhay" sumbat ni Phoebe.

"Mahal mo naman." Sabi ni Kent at idinikit niya ang ilong sa ilong ni Phoebe.

"Eh ikaw?" sabi ni Phoebe.

"Anong ako?" maang-maangan ni Kent.

"Kelan mo ako minahal? Uhmmm mahal mo ba ako?"

"HINDI! engot ka eh!" seryoso si Kent.

Lumabi naman si Phoebe.

"Sabi mo?! Kanina! You said so a while ago!" sigaw niya kay Kent. "Nakakainis ka!"

"Engot ka talaga..." sabi lang ni Kent.

Niyakap ni Kent si Phoebe.

"Eh bakit ang sama mo?" Kinikilig si Phoebe pero tinatago niya.

"Di ako masama. Engot ka lang talaga. Ayoko sa mga engot."

"Ngee? Lagi akong sinasabihan ng engot? Ayaw mo pala sa mga engot eh! Eh di, di mo ako mahal?"

Umibabaw ulit si Kent kay Phoebe. Hinalikan siya nito sa leeg.

"Ha? Anong gagawin mo?" Tinulak ni Phoebe si Kent

"Di mo yata naramdaman kung gano kita kamahal eh, ipapadama ko sayo ulit." Seryosong sabi ni Kent.

"Waaah naku, Kent naman..." tensed si Phoebe.

Pero umalis si Kent, bumalik ito sa gilid ni Phoebe. Nakatingin si Kent sa ceiling pero hinawakan nito ang kamay niya.

"Mahal kita... Phoebe Isabelle Fuentabella. Di ko alam pero sa tingin ko mahal na mahal na mahal kita. Kahit engot ka pa. Ayoko mawala ka sa akin. Kaya nga kita sinundan dito. I'm really really sorry for calling you names...like that... Lasing ako at ... oo nagseselos ako. Mamamatay na ako sa selos. Akala ko nahawakan ka na talaga ng iba. Akala ko galit ako sayo pero mas galit pala ako sa sarili ko... kasi hinayaan kong mapalapit ka sa iba." di ito nakatingin kay Phoebe pero unti-unting humihigpit ang paghawak niya sa kamay nito.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon