Chapter 30 (August 11, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

At tumingin na si Kent kay Phoebe. Napansin niyang umiiyak ito.

"Hey... I'm confessing bakit ka umiiyak?" niyakap niya ito ng mahigpit.

"Di ko alam. Sa lahat kasi ng nangyari. Nakarating na ako sa Italy at lahat-lahat... di ko akalaing maririnig ko sayo yan... Sorry Kent. Nakakaiyak di ko alam kung bakit. hahaha" tinatry tumawa ni Phoebe.

"Shhh. Basta akin ka lang. Akin ka lang Phoebe... please..."

"I love you.." yun lang ang isinagot ni Phoebe at yumakap na ito kay Kent.

***

Ilang minuto lang. Nakatulog na rin si Phoebe sa mga bisig ni Kent

Ako ang naka-una. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero diba sabi niya... sabi niya... si Harley. HAY!! Hindi eh.. hindi talaga. She was hurting.

Niyakap niya si Phoebe at hinalikan sa noo.

Mamaya na lang kami mag-uusap.

Di namalayan ni Kent nakatulog na rin siya.

***

Nagising na lang ulit siya ng may kumakatok na sa pinto.

*toktoktok*

"Phoebe... Anak??? Tulog ka pa??" narinig ni Kent na kumakatok ang tatay ni Phoebe.

Ayyy patay!!

"Phoebe..... phoebe....." bulong niya dito habang tinatapik ang pisngi. Di ito natitinag.

Engot talaga!!!! Ang hirap nga pala nito magising.

"Phoebe!!! Nandyan ka ba?!" narinig niya na naman na nagsalita ang tatay ni Phoebe.

Kinurot ni Kent si Phoebe sa pisngi.

"Aw!!" nagising din ito.

"Shhhh!!! Wag ka maingay, yung tatay mo kumakatok."

Lumaki ang mata ni Phoebe. Para silang sila adan at eba sa ilalim ng kumot.

"Ahh pa.. Wait lang po..." sumigaw din si Phoebe.

"Ah okay akala ko wala ka pa eh." Sabi ng tatay nito sa labas ng pinto/

Nagkatinginan sila ni Phoebe. Ayaw nila parehas umalis sa ilalim ng kumot.

"Tumalikod ka!" sabi ni Phoebe.

"Bakit? Ikaw din tumalikod!" sabi naman ni Kent.

"Tumalikod ka na!!!!"

"Engot ka talaga Phoebe, nakita ko na rin naman yan." Tukso niya kay Phoebe.

Nakita niyang namula ito.

"Kasiii naman!!!"

"Oo na tatalikod na... hahaha."

Hinanap niya ang mga damit niya sa sahig. At nagbihis na rin. Narinig niyang sumara ang pinto ng CR.

Ahaha nahihiya pa siya. Sa CR pa nagbihis. Naisip ni Kent.

Lumabas si Phoebe na nakabihis na pero hindi ito tumitingin sa mata niya. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay.

"Napagod si engot?" bulong niya dito.

Mas lalong naging awkward si Phoebe. Pilit nitong tinatanggal ang kamay ni Kent.

"TSK! Hwag ng magulo." Hinigpitan ni Kent ang hawak sa kamay ni Phoebe.

"Anong sasabihin natin kay papa?" nag-aalalang tanong ni Phoebe.

"Anong sasabihin?" sagot ni Kent.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon