Chapter 23. [Friend]

338K 7.8K 365
                                    

23. Daniella

"Beeeeessss!"

Kundi pa namin narinig ang boses ni Andie, hindi pa mapuputol ang pagkatulala namin ni Bryan.

"Bes! Uy, kumusta?"

"Anong nangyari sa inyo? Parang pareho kayong wala sa sarili?"

"Ha? Hindi, a!"

"Hindi raw! Uso yata yan ngayon, e. Kasi may nakasalubong din akong girl kanina, parang nakakita ng multo, parang galing pa nga dito. May kasama kayong iba dito kanina?"

Kinabahan ako sa sinabi ni Andie pero hindi ko pinahalata.

"Wala! Nag-submit lang kami ng assignments for the week."

"Ano namang inginingisi mo dyan, Bryan?" tanong ni Andie.

"Nakakatawa kasi mukha ni Dee, e." 

"Ewan ko sa'yo! Pasaway ka kasi, e!"

"Gusto ko lang namang mabasa yung article mo.

Ako naman yung subject mo dun, a!" 

"Sa ayoko nga, e! Nakakahiya!"

"Ang arte mo naman!"

Binatukan ko si Bryan. Gumanti naman siya, ginulo niya yung buhok ko. Ayun, nauwi sa paluan at kulitan.

"Guys, mauna na ako sa classroom, ha?"

Oh no, nandito nga pala si Andie!

"Ay, bes, sorry, eto kasing si Bryan, ang gulo!" 

"Okay lang. Sorry din, hindi ko na kayo mahihintay.

May kelangan pa akong gawin, e."

"Teka, ano nga palang nangyari sa audition mo? Nakapasa ka?"

"Nope. Pero may second chance ako."

 "Talaga? That's good! Good luck, bes!"

 "Salamat, bes. Sige, una na ako."

"Ano ka ba! Sabay-sabay na tayo," yaya ni Bryan. Biglang nagliwanag yung mukha ni Andie. O, kanina lang parang nalugi yung itsura nito ah.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon