Ch. 8 - Pt. 3 - One of the best photos ever captured

225K 3.9K 298
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 8 - Pt. 3


*kulbit kulbit*

Charice POV.

At may kumukulbit sa'kin?

Pagtingin ko dun sa likod, nakakita ako ng tatlong sophomores (2nd year sila dahil ang ID cord nila ay yellow) na may suot suot ng uniform namin na may hawak hawak na brown paperbag (bawal na mga plastic sa'min) na galing MCDO. Ginutom tuloy ako (pero wala akong pera!!!)

"Uhm... Bakit?" - tanong ko na pinipigilan ang sarili kong ummiiyak (dahil ang drama ko) 

Kase ang totoo nyan, mag sisimula na sana akong tumakbo. Praktis na rin yun para sa nalalapit na Milo Marathon namin sa August (na tinatamad akong puntahan). At oo, seryoso nga ako na tatakbo ako dahil wala akong pera! Ayokong mag 1-2-3 sa jeep kasi naawa naman ako sa mga jeepney drivers na kahit may iba na medyo masama ang ugali, alam naman natin na nagtratrabaho sila para sa kanilang mga pamilya so...

"Kayo po si Ate Charice di ba? *0*" - tanong nung isa. 

"Uhm.. Opo..?" - sagot ko. Aba, kakaiba ako't namumu-po ako sa mga mas bata sa'kin? XD

"Ang ganda mo po!! Bagay kayo!" - sabi nung babaeng may salamin.

Ngumiti lang ako. Alangang sabihin kong : "Thanks, I'm flattered!" ? 

"Di ba Ate Charice ngayong 7 yung party? Ba't po wala pa po kayo dun?" - sabi nung isang may hawak na McDo cheese burger. Ginugutom talaga ako? Ganon?

Speaking of the problem -- kailangan ko bang gumawa ng statement of the problem para sabihin sa kanila kung bakit pa ako naririto? 

"Pwede pautang ng tatlong piso? Naubusan ako kaya di ako makauwi eh" - dirediresto kong sabi. Pakapalan na ng muka pero kailangan ko @#$% 

"Eto po oh *O*" - sabi nilang tatlo na may hawak hawak na tig tatatlong piso bawat isa.

Bigyan ba nila ako ng P9.00?!

"Ay.... Tatlong piso lang yung hinihi----"

Di ko na natuloy yung sasabihin ko. Kumaripas na sila ng takbo eh. Leshe. Hiya ako! Pero bakit sila tumakbo? Baka fake itong mga pisong ito?! 

Pero bago pa ako nakaalis, narinig ko pa: "Yan lang po maitutulong namin! Gocha foreverrrrrrr~"

Uhm, sa mga bata pa ko umutang! Nakakahiya!!! NYEMAS na buhay pulubi ito oh! Pero ayus na din to! Makakauwi na ko para... err.. Mag ayos? Ano na bang oras?! 

Time Check: 7:16 pm @#$%!

- - -

Mama's POV.

Nasan na anak ko??? Mababaliw na ako sa kaka-alala!!! > O <

Di niya kasi dinala yung phone niya eh! Iniwang nakasaksak yung earphone sa phone! Napanu na ba yun?! Ayokong mawalan ulit ng anak!!! 

"Ma'am, di po talaga dala yung phone nya po?" - drayber.

  

Ay ang kulit. pang pito na niyang ulit na tanong yan eh +__+

"Hindi nga po :<" - sabi ko na parang lungkot na lungkot Leshe ka! Aba! Maghintay ka naman!!!

"SORRY PO LATE AKOO!" - Anak ko! @#$% Namu-po sya sa drayber *__*

Hingal na hingal sya. Tinakbo ata yung Subdivision. Medyo malayo rin yun eh. 7 yung pamasahe kung mag tritricycle. Siguro naubusan sya?

"Tara na Ma'am" - drayber. 

"AY TEKA TEKA!! Di pa ayus anak ko!" - Ako sabay hila sa anak ko. 

"Pero Ma'am---------"

  

Hinila ko papasok ng bahay si Cha at pinatuyo muna nya yung pawis nya. In the end, hindi yata niya makeri na di maliligo so kaya ayun, Nanligo siya. Mabilis lang. Pagkatapos nun, minake up-an ko siya. Actually, my first time to do a make up.. na malaki na sya :')

Ang pangarap na pangarap kong gawin sa kanya. 

Last make up ko sa kanya ay yung gumaradweyt sya nung daycare. Ayaw niya kasi mag pa-makeup sa'kin. Laging si Bianca yung nagmamake up sa kanya ever since gradeschool. And hanggang ngayon, pinangarap kong make up-an sya na di siya nagsusungit.

Pwede na ko mamatay! Pero wag pa! Kung kelan naman gumaganda na ang aming relationship eh! At I'm proud na maganda yung ayos niya ngayon! I'm a make up artist. Trabaho ko yun. Dun ko nakilala ang mga kumare ko na ang anak ay si Bianca. 

"Pretty Ays *0*" - sabi ko. 

"Nah" - sabi nya ng di natingin sa salamin. 

Agad akong lumabas ng kwarto para kunin yung camera na nasa cabinet. Pagbalik ko sa kwarto, nakita ko ang anak kong

Nakangiti sa salamin :')

I'm so glad she liked it @#$% *crays a riverr* Slowly, na-click ko yung camera para picture-an sya. Buti na lang walang shutter o sound o light na lumabas.

One of the best photos I've ever captured.

"Kanina ka pa d'yan?" - medyo inis nyang tanong.

Ngumiti lang ako na parang niloloko siya. Parang nainis siya na parang napapanguso sya dahil nakita kong nakangiti sya sa salamin. After all, kilala ko naman ang anak kong ganyan.. na medyo rude at mean at iba ang nasasabi pero deep inside, ramdam ko naman na mahal nya ako kaya masaya ako dahil kahit ganun sya, napalaki ko sya na ako lamang.

Dear Papa,

 

Kung nasan ka man, nakita mo ba yung pinicturan ko? Yung anak mo. Malaki na? Syempre, lumaking maganda tulad ko... pati mo. Para fair. Ginamit ko yung regalo ko sa'yo nung una nating wedding anniversary. Your gift back then was the most expensive brand of lipstick para sa work ko. At ako naman, dahil sa kamahalan ang gusto mong regalo, binili ko na lang yung digicam.. na hawak ko ngayon. At sinabi mo pa nga nung ibigay ko sayo.. dahil di ka makapaniwala na hindi ako nakaipon ng 42,000 (dahil sa ako'y hindi maipon): 

"Gusto ko dito mang gagaling ang mga magagandang litrato ng mga anak natin."

 

Here papa... Nakikita mo ba jan sa taas? Ang ganda na ng anak mo. Sana maabutan ko pa ang isa sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya. Mapicturan ko sana ang kasal ng ating anak. Pati graduation! Naku, ano ba tong sinasabi ko.. malayo pa naman ang araw ko. Napaka drama ko na papa! Sige papa, gusto ko lang ipakita to. Baka maluha pa ko at tawanan ng iyong anak.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon