Sana po suportahan niyo 2ng first story ko.. Please vote and comment.. salamat..=)
________________________________________________________________________
Mabilis man ang daga, nahuhuli pa din ng pusa.. Mabilis man ang kotse nauubusan din ng gasolina.. Buti nga yung kuneho nahahabol ng pagong.. eh bakit ang puso ko hindi mo mahabol..? Anube..?
'Wag ka ngang masyadong malandi.. Pag ako nahulog! Malamang hindi mo ako saluhin!
________________________________________________________________________
Hayy gabi na.. hindi ako makatulog anu ba yan?! Hindi maganda to! First day pa naman namin bukas.. College na ako.. Pero parang hindi halata..
*beep
Hay nako sino naman tong magtetext nang gantong oras?! Nagcoconcentrate na ako matulog eh!
__
Anderson, Kyle:
Hi Lisa!! =)
---
Josme kala ko ba naman kung sino.. Si Kyle lang pala.. Anu bang problema nitong lalaki na ito!? Buong bakasyon "hi" ng "hi"?? Ni hindi ko nga nirereplyan eh. Asar 'tong panget na ito!! walang kasawasawa..
Biglang kumidlat sabay kumulog ng malakas! Napasigaw ako, "AYY!! HINDI MAGANDA YAN!!!"
"HOY LISA MAGPATULOG KA!!!" sigaw ng kapatid ko sa kabilang kwarto..
"SORRY AH!!" kapal ko anu? ako na yung nag-iingay ako pa may ganang magalit?
Tapos biglang nawalan ng ilaw..
"Sheeet naman.. T_T" mas lalo akong hindi makakatulog nito..
Haiii since hindi na ako makatulog.. magkwentuhan nalang tayo..
Ako nga pala si Lisa.. ahm.. naku wala naman akong ipagmamalaki.. wag nalang akong magpakilala.. basta ako si Lisa..
___________________
Anu ba yan?? Late na ako.. Hindi kasi ako nakatulog kagabi.. Hayy buti nalang walking distance lang school ko.. Dun lang naman siya sa dulo ng mundo.. Hayy.. Mas male-late ako pag sumakay ako eh.. super traffic na. First day of school late na ako.. Ganda namang first impression nun sa pang umaga kong prof.
"Lisa!!" biglang may tumawag sa'kin.. Napalingon ako sa likod.. Nakita ko si Kyle. Nakangiti siya sa'kin habang ini-wave niya yung hand niya.. Tinitigan ko siya.. Strange... wala siyang bag.. Bakit kaya?? Pero, God naman, pinagtitripan mo nanaman siguro ako 'no?? Love naman kita eh God, bakit mo ako ginaganito?
Actually si Kyle, mabait naman siya.. Ayoko lang talagang naglalalapit siya sa akin.. Malakas kasi ang trip niyan s buhay. Sumisingot ata ng "Pantene" yan eh. Haiiii hayaan na nga no choice na.. Edi kausapin na..
"Hi....Kyle" ngumiti ako ng pilit..
"Kamusta? Bakit hindi ka nagrereply sa'kin noong bakasyon??"
"Wala akong load eh."
"Lagi kaya kitang pinapaloadan."
"Ah eh bago na number ko" palusot, siya pala yung nagloload sa akin.. "Bakit mo nga ba ako pinapaloadan?"
"Naku nga tinawagan ko minsan number mo ni-endcall mo lang." napakamot siya sa ulo, "Iniiwasan mo lang ata ako eh."
"Hindi ah.." buti alam mo!
"Pero sabagay.. bakit mo naman iiwasan ang gwapong katulad ko?? " sabay tawa siya.. Grabe kapal ng mukha!!
Pero honestly gwapo talaga si Kyle, macho pa!! kaya lang sobrang kulit. Ewan ko ba dito kung bakit sa dinami dami ng magagandang babae sa school namin eh ako ang napagtripan.. Hindi naman ako kagandahan!!
"O sige na! Late na ako eh.."
"Pwede sumabay?" GRABE!! WAG NA!!
"May kotseng naghahatid sundo sa'yo diba?"
"Pinauna ko na.. Pinadala ko na lang yung gamit ko sa locker." talino talaga ng utak nitong lalaki na to! Pwede namang sinabay nalang ako sa sasakyan eh.. kelan ba ako lulubayan ng baliw na 'to?
______________________________
Another beginning
[Brent's POV]
"Yawn" napahikab nalang ako habang nakasakay sa kotse.
"Sir ayos lang po kayo?" sabi nung driver ko..
"Si manong naman parang naghikab lang eh."
Hindi na uli siya nagsalita..
Milagro ah, pumasok ako sa first day.. wooo bagong buhay? college?? hindi rin siguro. Actually ayoko lang ma ROTC. Sa first day kasi ng klase ang registration sa LTS at CWTS baka maubusan ako ng slot. Sa katunayan nga nagsasawa na ako sa school na papasukan ko.. Simula kasi kinder, doon na ako nag-aral. Ganun ako ka-loyal sa school ko.
"Sir andito na po tayo"
"Ah sige manong dito na ako.. pakisundo nalang ako ng mga 5:00"
Bumaba na ako sa kotse.. Tilian agad ang sumalubong sa akin.
"AHHH SI BRENT!!!"
"GOSH!! TINIGNAN NIYA AKO"
"BRENT PLEASE BE MINE!!"
Tuloy tuloy lang ako sa paglakad. At lahat ng babaeng tumitingin sa'kin kinikilig o kaya napapanganga. Haii.. kala ko matatapos na yung ganito ngayong colllege.. Hndi pa pala.. Sawang sawa na ako..
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists