Sa Canteen

1.4K 22 8
                                    

4:00 AM. Hay aga naman manggising ni tita. Kailangan kasi naming pumunta sa Don Domingo Market para bumuli ng mga iluluto sa canteen. So yun nga, punta kami sa market at bumili na. 5:30 AM ng mkabalik kami, what a surprise!  kasi pag balik namin, gising na silang lahat at nag reready na para magluto. Grabe, high speed pala silang lahat pag dating sa kusina.

7:30 AM ready na lahat ng nasa menu, oras na para idisplay ang mga ulam. by 8:00 AM ready na kami para mag accept ng mga customers. I think around 10:00 AM that time, konti lang ang kumakain, nakaupo ako malapit sa mga display na ulam nang bigla nalang umikot yung platito na may beef steak, nakakapagtaka naman, kasi ako lang naman ang tao doon at wala naman pwede magpagalaw non. Sa halip na matakot, hindi ko nalang pinansin, dedma. hehehe.

1:30 PM, break time. Wala na din naman kasi kakain pag ganitong oras so pahinga muna kaming lahat. 4:00 PM umpisa na ulit mag prepare ng mga menu, heto nanaman ang mga high speed ng kusina. 6:00 PM ready na ulit kami para mag serve sa mga customers. 9:00 PM, close na po ang canteen, linis-linis muna hanggang 9:30, tapos kwentuhan hanggang 10:00 PM.

That night, nagpaalam ako na sasamahan ko matulog si tito sa canteen, pumayag naman si tita kaya hindi na ako sumama nang bumalik sila saa appartment. dahil siguro sa pagod, mabilis akong nakatulog, wala na sa isip ko kung gaano katagal na kong natutulog ng biglang may ingay mula sa kusina, parang nahulog yung mga kaserola, kaldero, kawali, basta ang alam ko madaming gamit na nagbabagsakan nung mga oras na yun. 

babangon sana ko para tignan kung ano yun pero binawal ako ni tito. "Matulog ka lang dyan, hayaan mo sila titigil din yung mga yan, masanay ka na."  So hindi nalang ako bumangon, mayamaya, tumigil na nga ang mga tunog na parang itinatapon ang mga gamit namin sa pagluluto, sa wakas makakatulog na yata ulit ako.

Hindi parin pala, dahil biglang nagsisigawan yung nakatira sa second floor ng canteen, nagaaway yata yung mag-asawa, dinig na dinig yung ingay nila pati yung pag iyak ng mga anak nila, pati nga yung mga yabag ng paa dahil sa pag takbo eh. Hay ano ba naman tong mga to, madaling araw na yata nag-aaway parin.

makalipas ang halos isang oras siguro, tumigil din sila, sa wakas makakatulog na ko, nang biglang may kumatok sa pinto, "Buksan mo" sabi ni tito, "tita mo yan, pupunta na kayo sa palengke". Whaaaaat? hahaha.. 4:00 na pala. so punta na agad ako sa kusina para buksan yung pinto, pag daan ko sa kusina, gulat na gulat ako, kasi yung lahat ng kasangkapan, nakaayos, walang nakakakalat kahit isa. Pero sigurado ako sa mga narinig ko itinapon talaga lahat yun kanina. Anyare??? sino nag-ayos nito??? dalawa lang kami dito sa loob, hayun yung isa naghihilik pa. hehe. baka naman hindi talaga nagulo.. ah ewan basta sigurado ako sa narinig ko.

Pumunta na kami ni tita sa palengke, habang namimili kami, kinuwento ko sa kanya yung mga narinig ko sa canteen, yung mga nagbabagsakang kasangkapan, yung nagaaway na mag-asawa, yung mga batang iyak ng iyak. Tumawa si tita, sabay sabing "malapit ka talaga sa mga ganyan no?".

Ha? Ano daw? Saan daw ako malapit?... Kwento nalang daw ni tita sakin mamayang break time. Ok nakabalik na kami, at nag prepare na ng menu....

Sa wakas break time na. punta agad ako kay tita para itanong kung ano yung sasabihin nya sakin. Sabi nya sakin, malapit daw talaga ako sa mga "Multo". whhhhaaaat? multo again? yung narinig ko daw na mga kasangkapan na bumabagsak, dalawa lang daw kami na nakaranas non, si tito(yung kasama kong natulog sa canteen) at ako. Lagi daw nararanasan yon ni tito pero dahil sa sanay na sya, hindi nalang nya pinapansin. Yun naman daw mga ingay sa second floor ng canteen, ako lang daw ang naranas nun, wala daw nakatira sa second floor na yun 5 years na. Dati daw may isang pamilya na nakatira dun, lagi nga daw nagaaway yung mag-asawa. Namatay daw yung pamilya na yun sa isang car accident. So posible na yung mga narinig ko ay kaluluwa nila.

kaluluwa nanaman? siguro nga lapitin talaga ako ng multo. hehe.. And yes, noong 8-12 years old ako, may kakayahan pa ko na marinig yung ibang elemento. Ewan ko ba kung ano nangyari nung nag High School na ko, biglang hindi ko na naririnig yung sinasabi nila eh. 

Next na ikukwento ko sa inyo ay yung experience ko sa Appartment ni to, sa Tuguegarrao parin syempre, mas intense yun. tapos, yung mga experience ko na sa Nueva Ecija, then Baguio, then sa Appartment ko sa Quezon City at dito sa office sa Mandaluyong.

Next week na ulit ako mag-uupdate ha.. Salamat sa pagbabasa ng mga walang-kwenta kong experiences.. hehe.

Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon