Chapter 1 (Currently Revising)

Magsimula sa umpisa
                                    

 These two crazy ass!! Ano namang nakakatawa don?

Kumunot ang noo ko na napansin siguro ng dalawa kaya biglang nagsitahimikan. Biglang lumapit sakin si Janus at inakbayan ako.

 "Payong kaibigan lang pare. If I were you, after that big day tomorrow, kunin mo na ang lahat-lahat sa kanya for you to make sure na hindi na siya magiging pasaway pa."

 Maniniwala na sana kong seryoso siya eh, kaso nakataas yung dulong sulok ng mga labi niya.Nakangisi siya.Tiningnan ko din si Migz, nakasmirk din ang loko.

 "What do you mean?" 
   tanong ko kay Janus.

"As simple as one,two,three.   Give her a child and----"

 F*ck!

 Hindi ko na siya pinatapos pa dahil mabilis ko na siyang tinulak pagkatapos ay pahablot kung kinuha yung kwelyo niya.

"You!"

galit na sigaw ko sa kanya. Bahagyang nakataas lang yung dalawang kamay niya na para bang itinutulak ako palayo habang patuloy pa rin sila ng paghalakhak ni Migz.

 "Look at yourself pare, namumula ka!"

  pangungutya ni Migz na noo'y halos ihitin na sa kakatawa. Maglalakad na sana ko papunta kay Migz para hablutin yung tenga niya ngunit biglang nahagip ng isang mata ko ang di kanais-nais na senaryo mula sa gitna ng dance floor na noo'y nasa likod na direksyon ni Migz.

Allison's seductively dancing with the other guy!

   Nakatalikod siya sa lalaki habang nakataas ang dalawa niyang kamay, giving acess para mahawakan ng lalaki ang kanyang beywang habang pareho nilang ginigiling ang kanilang mga katawan para sabayan ang tugtog. Kusang kumuyom ang mga kamao ko at dagling nandilim ang paningin ko dahil sa nakita kong 'yon.

 "What?"

nagtatakang tanong ni Migz ng makita sigurong nakatulala ako sa likod niya. Sabay silang lumingon upang sundan ang direksyon ng paningin ko.

"Oh man!  Lagot kang bata ka."

   tatawa-tawang sabat ni Janus habang himas-himas ang chin niya.

"Kalma lang, pare, don't make any----"

Hindi ko na pinatapos si Migz dahil bigla na 'kong nagderetso papunta sa likod niya.Madilim ang mukhang naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Allison. Pakiramdam ko ay umakyat na ang lahat ng dugo ko papunta saking ulo dahil sa sobrang galit.

Sawang-sawa na 'ko sa pag-intindi sa kanya. Simula bata pa lang sakit na siya sa ulo ko.                                   For God's sake nakayanan ko siyang tagalan  for almost 12 years!

Twenty four na 'ko samantalang siya ay nineteen years old pero sa sitwayon ko para akong nag-be-baby sitter sa isang pitong taong gulang na bata.

Bigla ay naisip ko 'yung sinabi sakin kanina ni Janus.

 'Give her a child'

I winked.    Let's play a game, Allison Dela Cerda. My future Mrs. Allison Dela Cerda-Fontanilla.

 Allison's POV

  Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang magpakalasing, magsayaw at magpakasaya na para bang end of the world na bukas. Actually para sakin katapusan na talaga bukas. Mula sa dela Cerda, magiging ganap na Fontanilla na ako. And all of this was because of that f*cking 'Last Will and Testament' that my father signed before he died. Nakasulat 'don na iiwan ang lahat ng ari-arian, kompanya, kayamanan at lupa namin kay Roberto Fontanilla, ang matalik na kaibigan nina mommy at daddy. Nakasulat din doon na bago ibigay ang lahat ng kayamanan ng dela Cerda sa mga Fontanilla ay kailangan daw muna akong pakasalan ng panganay na anak ng pamilya -si Tristan Xavier Fontanilla.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon