Chapter 8

6.5K 40 13
                                    

Chapter 8
Stay Away

"Who would have thought na malapit na ang intrams?" panimula ka nang makarating kami sa bleachers.

Ibinaba namin ang mga bag namin at saka naupo. Kasama ko sina Jai at Joseff ngayon. Nakakapagtaka nga lang kasi ayaw kami samahan ni Louisse kada magkasama kami'ng tatlo ngayon. Palagi niya'ng sinasabi na busy raw siya.

Siguro nga ay busy.

"Ang bilis nga ng araw, e, January na ngayon."

Tumango tango lang ako sa sinabi ni Jai. Totoo na mabilis talaga ang nagdaang mga araw. Twice a week kami nag-eensayo sa club at kung may free time ay tumatambay lang kami dito para magkwentuhan, gaya ngayon...

We're going to perform. Sa intrams. Glee and Musikal club sa iisang performance. Sa keyboard ako at kakanta naman sila Jai. Sasali kami sa Talentadong Velventian. Nasa anim kami'ng members ng dalawang club. Pinili ang pinaka hasa.

Simula nang naging kaibigan ko si Joseff, napalapit na rin siya kay Jai. Hindi ko lang alam kung bakit mailap si Lou sa kaniya. Three months na kami' ng walang maayos na hang out. Gano'n ba ka-busy sa strand niya?

"May pageant, sali ka?" tanong ni Jai sa akin.

Napatingin sa akin si Joseff kaya napatingin din ako sa kaniya. Umiling ako. "Hindi ako confident." Tumawa pa ako pagkasabi ko no'n.

"Wag ka na sumali," malamig na sambit ni Joseff.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Insecure ka ba? Sali ka rin kung gusto mo."

Tumawa lang sa amin si Jai. Sanay na sanay na siya sa sagutan namin ni Joseff.

"Not my thing."

"Mahiyain ka, e. 'Di na kami magtataka..." singit ni Jai.

Sa intrams ay magkakaroon ng pageant for Mr and Ms Velventi. Malaki ang premyo kasi free tuition fee next sem. Ang mahal din ng isang sem sa unibersidad na 'to kaya maraming interesado ng sumali. Magkakaroon pa ng chance mag model sa isang sikat na clothing line ang mananalong babae at lalaki. Can't blame people kung bakit super desperada sila'ng makasali.

Natahimik kami nang dumaan ang grupo nina Des sa harap namin. Nakita ko'ng huminto ang titig nila kay Joseft lalo na si Des. Maya maya pa ay may sumunod na babae sa kanila at nagulat kaming dalawa ni Jai nang makita silou na kasama si Des sa isang grupo.

What?

Kailan pa sila naging magkaibigan? Oo, iisa ang strand nila pero alam ni Lou dati na pinisikal ako ng sinasamahan niya. Did she forget our vow? Na walang kakaibigan sa mga kaaway?

"Jai?" takang tanong ko.

"Alam ko iniisip mo." Sumimangot si Jai sa nakita namin.

Tumikhim si Joseff at umalis sa bleachers. Sinundan namin siya..

"Akala ko ba naka move on na 'yang ex mo?" galit na tanong ni Jai habang naglalakad kami. "At bakit pati kaibigan namin e sumasama na sa kaniya? 'Di kaya...'yon ang dahilan bakit 'di na siya sumasama sa amin?" sunod-sunod na tanong ni Jai kay Joseff.

Kinurot ko ang braso niya upang patigilin siya. Dire-diretso lang ang lakad ni Joseff. Tingin ko'y papunta kami sa practice room.

I can still remember that day...the day he broke up with Des. I knew it because I was the one who heard the story first.

It was October.

Noong araw na sinabi ko sa kaniya na bakit hindi niya na lang hiniwalayan si Des kung nasasakal na siya dito. 'Yon ang araw na tinapos niya ang ugnayan nila. Sabi niya sa akin ay hindi naman talaga siya attracted kay Des.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon