Chapter Forty Nine - Shiver

307K 3.4K 757
                                    

Chapter 49

“Gavin, are you sure you don’t wanna come with us?” Hindi niya alam kung pang ilang beses niya nang naitanong iyon kay Gavin. But as always, umiling lang ito sa kanya habang hawak-hawak ang laruan nitong si Iron Man.

Rinig niyang bumuntong-hininga sa likod niya si Greg. “Gaby, it’s no use. Hayaan nalang natin si Gavin kung ayaw niya talagang sumama sa atin. Andito naman sina Ashleen at Connie para kalaro niya habang wala tayo.”

Tumango siya at hinalikan sa pisngi ang anak. “Be a good boy while mom and dad are out of town, okay?”

Ngumiti ito sa kanya at niyakap siya sa leeg. “I’ll be a good boy, Mom… Dad…”

Napangiti siya at hinalikan ulit ito sa noo. He went straight to Greg when she released him. Nakita niyang nagbubulong-bulungan ang dalawa at tumawa ng malakas si Greg. Nilingon niya si Albert na nakangiting pinagmamasdan ang kanyang mag-ama. “Kuya, ikaw na ang bahala kay Gavin habang wala kami ni Greg ha? Nandito sa bag ang lahat ng kakailanganin mo. Every night bago siya natutulog ay pinapainom ko siya ng gatas. Sa umaga naman ay umiinom siya ng vitamins pagkatapos niyang kumain. At—”

“Gaby, for Christ’s sake! Pang limang beses mo nang inulit ‘yan ha? I know already! Umalis na lang kayo ni Greg para di kayo maabutan ng gabi sa daan. It’s three o-clock in the afternoon already.” Singit ni Albert sa kanya.

Tiningnan niya ang wrist watch na suot. Five minutes na nga lang at mag-aalas tres na ng hapon. Tama si Albert. Kung ayaw nilang maabutan ng gabi sa daan ay kailangan na nilang umalis ni Greg. “Okay. Basta kuya ha? Tawagan mo kaagad ako pag may emergency dito sa bahay.”

Ngumiti sa kanya si Albert habang kinakamot ang ulo. “Gaby, seriously. Umalis na kayo ni Greg. Alam ko na ang gagawin ko dito. Just leave it all to me and enjoy your weekend with your husband.”

Ngumiti siya at tumango. “Thanks, Kuya. Magpapaalam lang muna ako kay daddy and then we’ll leave.”

Pumanhik siya sa ikalawang palapag ng bahay at tinanong ang nurse kung gising ba ang kanyang daddy. Ngumiti ito at tumango sa kanya. “Kakagising niya lang, Ma’am Gaby. Pumasok nalang po kayo. Nasa loob si Doc James at kinukunan siya ng BP.” Nagpasalamat siya at pumasok na sa silid ng kanyang daddy.

Nakita niyang mahinang kinakausap ni Kuya James si daddy. Makalipas ang ilang weeks niyang paglalagi sa Pilipinas ay hindi na nagpro-progress ang kalagayan ng kanyang ama. He was becoming weak. Everytime niyang binibisita ang kanyang ama sa silid nito ay hindi niya maiwasang mapaluha. Klase-klaseng tubo na ang nakakabit sa ibat-ibang parte ng katawan nito.

Hindi na nga ito nakakausap dahil sa tubo na nakakabit sa bibig nito. He looked so fragile. Gusto niyang samahan ito umaga hanggang gabi pero dahil na din sa trabaho niya sa opisina ay hindi iyon nangyayari. She wanted to take care of him. Alam niyang bilang na lang ang mga araw nito dito sa mundo. She wanted to cherish his last few moments.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon