Chapter Six- Surprise Pancakes (August 02, 2011)

853K 12.9K 2.5K
                                    

ZYLIE's POV

WHAT?!

Ano daw? Pero kahit gusto kong itanong ulit, natakot naman akong ulitin.

Ansakit yata ng ulo ko. Nauntog rin ba ang ulo ko sa pagbagsak ko kanina kaya kung ano-anong nariring ko. Kung pwede lang sanang may Stop at Rewind at Replay ang moments in life baka ginawa ko na. Sa sobrang bilis ng pangyayari di ko na nadouble check kung realidad pa ba yung narinig ko. Ano daw? Anong sinabi ni Silver? Ano bang ipinaglalaban niya?

Speechless ako... Sa harap... Sa harap ng mga magulang ko. Ang isang ito, na hindi ko naman talaga kilala. Nagkataon lang na nasaksihan niya yung mga kamalasan ko ngayong araw, ay magsasalita ng ganun kapangahas sa harap ng pamilya ko? Nababaliw na siya?

Sila mama... Yung itsura nila... Waaah kinikilig ba sila? Yung totoo?

"Pancake ka dyan!!!!" sabi ko na lang na parang yun ang issue. Isinantabi ang mga iba niya pang sinabi kahit gusto kong idouble check sa kanya... Iingatan niya ako?

Alam ko bilin sa kanya yun ng mommy niya. Pero ingatan sa pagda-drive yun... Not this way. He implied it in a different way. Sa harap ng buong pamilya ko.

Parang sinabi niya na rin na hindi niya ako sasaktan. At in theory, sinabi niya na rin na kami na. Pinalabas niya in a way.

Nakakahiya kasi kila mama!

"Hwag ka ng mahiya, pancake." seryoso yung mukha niya, swear. I wonder, paano niya nasasabi yun ng ganun kaseryoso?

"Naku naman, Zylie!" si mama ay gulat.

"Mama... ano--" gusto kong magexplain pero ano?

"Hindi mo naman kasi sinasabi ang sitwasyon. Nakakahiya tuloy. Upo ka anak." sabi ni mama kay Silver.

Sitwasyon? So ganun na yun, implied na na kami na talaga ni Silver? Naalala ko si Dra. Torres... Si tita Marianne. Huhu. Meet the parents na pala ang naganap ngayong araw? So ganun? Sa mga magulang namin, kami na? Oh my God. I barely knew this guy!

At anong sabi ni mama? Anak? Biglang anak na si Silver? Gumaganti ba si Silver kasi napagkamalan ako ng nanay niya na gf niya?

"Di na po, paalis na rin po ako agad."

Napapansin kong mahaba naman pala siya magsalita. Marami rin pala siyang nasasabi. O dahil siguro magulang ang mga kausap niya? O baka naman hindi lang talaga kami close, paano ko naman masasabing hindi talaga siya nagsasalita hindi ba?

"Eh Silver, tol!"

Tol. Kanina pare, ngayon tinawag na siya ni kuya Zeus na tol.

"Baka pwede namang paki-akyat na rin si Zylie sa kwarto niya."

"KUYA?!"

"But of course." Silver rubbed his palms at lumapit sa'kin. In the coolest way possible. Ano bang nangyari ngayong araw na nagdulot sa ganitong sitwasyon? Nagligtas ba ako ng isang bansa nung past life ko?

Pero thinking about it. Mga adik pamilya ko! So pinabayaan akong i-akyat na parang isang bagay lang. Paki-abot ng remote, paki-kuha ng barya... pakiakyat nga si Zylie? My levels. Parang isang pizza at si Silver ang delivery boy. More so. Babae ako at lalaki si Silver, at 3rd year highschool, height of our hormones. Tapos ganun na lang?

"Bakit ka namumula diyan?" naramdaman ko na lang, back of his hands on my forehead na parang inaalam kung may lagnat ako. Gosh. Namula na tuloy ako.

"Wala wala" nahiya ako. Ako lang naman yata ang nag-iisip ng malisya eh. Pinakiusapan lang naman ni kuya na dalhin ako sa kwarto. Bakit naman kasi ganun yung iniisip ko. "Wag mo akong hawakan."

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon