Chapter 38: The eldest member

3.7M 71.6K 49.4K
                                    

CHARLES

Aga kong nagising, taena.

Excited lang siguro akong makita siya mamaya. Gaano kaya kalaki 'yong pinagbago niya? Lecheng babae 'yon, makikita niya kung ano 'yong pinakawalan niya. Sa gwapo kong 'to, sandamakmak na chicks nga ang naghahabol sa 'kin tapos ang kapal ng mukha niyang mambasted? Humanda siya sa 'kin. Haha!

Teka, pucha. Bakit parang pakiramdam ko, tulog pa si Manang? Humanda lang sa 'kin 'yong pangit na 'yon kapag tulog pa siya. Sabi ko na kasing gumising nang maaga, e.

Pumunta ako sa kwarto niya. Anak ng! Tulog pa nga, tulo-laway pa. Kadiri talaga 'to.

Ah, alam ko na.

Kumuha ako ng tubig sa baba tapos...

"Waaaaaa!"

"Good morning, Manang."

Galit na galit 'yong mukha niya. Haha! Ang sarap talagang asarin ng kapatid ko. Matutuwa ka sa hitsura niya, e. Mukhang ewan lang.

"Ang sama mo talaga! Kaninis ka! Sana ginising mo na lang ako!" Tumayo siya tapos dumiretso sa banyo ng kwarto niya. Haha! Ang kulit ng mukha niya. Hindi ko napigilang tumawa.

"Ginising nga kita!"

"Ginising? E, pinaliguan mo kaya ako ng tubig. Grabe ka!"

"Ang tagal mo na naman magigising, e. O, e di, ayan, diretso ligo ka na, 'di ba? Bilisan mo riyan! Iwanan kita, e!"

"Tse! Umalis ka na nga!"

"Bilisan mo! Male-late tayo, e!"

Tinulak niya ako palabas ng kwarto niya pero hindi niya ako mapausad. Paano, lampayatot kasi masyado, puro aral kasi ang inaatupag, e. Hindi niya ako gayahin, petiks lang, cutting classes, rambol do'n, gimik dito, chicks do'n. Young, wild, and free, 'di ba?

"Kainis! Bakit kasi ang bigat mo, e. Sige na, maliligo na ako!" Nagkamot siya ng ulo tapos nagdabog pa. "Hays, bakit kasi bad boy ang kuya ko, e?"

"Narinig ko 'yon, ah!"

"Haha! Joke! Sige na!"

Dumiretso na siya agad sa banyo niya. Pambihirang babae talaga 'yon, tulog-mantika. Nagmana din sa 'kin, e. Dati naman, ang aga-agang magising. Taena kasi no'ng tatlong 'yon, ano kaya ang ginawa sa kapatid ko? Subukan lang nilang turuan ng katarantaduhan si Candice, bibigyan ko talaga sila.

Five minutes...

Ten minutes...

Ang tagal niyang maligo! Takte. Makalibot nga muna sa kwarto ng manang na 'yon. Tsk! Ang kalat, akala mo, hindi babae 'yong may-ari ng kwarto, e. Gumanda nga siya pero manang pa rin ang dating niya sa 'kin.

Ano 'to? Ah, dog tag lang pala ni...

"Tapos na ako!"

"Ang tagal mong manang ka! Tara na!"

Pagbaba namin, luto na 'yong breakfast.

"Good morning, Charles at Candice. Kain na kayo."

"Yaya, nasaan po si Mama?"

"May business meeting daw, e."

"Ah, okay. Wow, bacon again! My favorite."

Lintek walang kasawa-sawa sa bacon 'yong manang na 'yon. Umay na umay na ako, utang na loob naman. Ang daya naman ni Yaya porke't mas favorite niya si Candice, laging bacon 'yong niluluto niya.

Ang aga naman yata ng business meeting ni Mama? Mukhang sa iba pumunta 'yon, ah. Huwag niya sabihin sa 'king may boyfriend na siya, baka mabugbog ko 'yong lalaki. Aba, hindi niya kilala si Charles Gonzales, ang pinakapoging lalaki sa balat ng lupa.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon