Chapter 5

7.9K 62 8
                                    

Chapter 5

Mood

"Kinakabahan ako!"

Napatingin kami'ng dalawa ni Jai kay Lou na ngayon ay hindi mapakali sa paglalakad. Kanina pa siya palakad-lakad sa harap namin. Pinapatawag kasi kami ngayon ng Glee Club. Ngayon na siguro sasabihin kung sino ang mga pasok...or should I say kung sino ang isa'ng hindi nakapasok.

I remember myself saying I feel sorry for that person...pero paano kung ako ang hindi makapasok? Kahihiyan sa sarili ko'ng pag-iisip, hindi ba? Napailing na lamang ako sa mga naiisip ko.

Inakbayan ko si Lou. "Ang ganda ng performance mo no'n. Makukuha ka, for sure." Ngumiti ako.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa malayo. Tumawa naman si Jai. "Akala ko naman confident kayo pareho pero halos pareha lang kayo'ng mamamatay na kakaisip kung pasok ba kayo. Chill." Humalakhak siya saka iniwan kami'ng dalawa upang dumiretso na sa building kung nasaan ang club.

Sumunod kami.

Nang makapasok kami ng room, kaagad ko'ng namataan si Joseff. Hindi na ako nagulat pero inilingan ko lang siya nang tignan niya ako.

O, bakit mo ako tinitignan ngayon?

Umupo ang dalawa ko'ng kaibigan sa tabi ni Joseff at ako naman ay umupo sa tabi ng mga hindi ko kilala. Saglit lang naman 'tong magiging anunsyo. Sumulyap ako sa gawi nila Lou at nahagip ng mga paningin ko si Joseff na nakatitig sa akin.

Alam mo 'yung titig na parang nagmamakaawa? Iyon ang ginagawa niya ngayon.

Inirapan ko siya at napapikit ako nang marinig ang boses niya sa aking isipan.

"Not my friend."

Kahit na binitawan ko na ang tingin ko sa gawi nila ay nakikita ko pa rin sa gilid ng aking mga mata na...ako lang ang sentro ng atensyon niya.

Ano na naman ba?

Napatingin kami'ng lahat sa stage nang umubo ang president ng club. Ngumiti siya nang malungkot at tumingin sa banda ko.

"So...ano'ng gusto niyo'ng i-announce ko?"

Hindi kami nagsalita.

"'Yung twenty students ba na nakuha o 'yung isa na hindi nakapasok?"

Natahimik kami'ng lahat. Either way, pareho namang nakakalungkot ang gagawin niya. Mas nakaka-offend nga lang ang huling option.

Mahabang katahimikan pa rin ang bumalot sa lahat. Nang natapos na ang limang minuto, binuksan niya na ang dala niya'ng envelope na itim. Umangat ang gilid ng aking labi. Tatanggapin ko kung hindi ako ang makukuha.

"I'm deeply sorry for announcing this, but I have to. I know that this rejection won't stop you as an aspiring singer, so allow yourself to accept this failure...for this failure does not give justice to your talent."

Naramdaman ko'ng hirap na hirap ang president sa pag-anunsyo pero hinintay ko pa ring matapos niya ang sasabihin niya.

Hindi ba't nangangailangan sila ng tauhan? Bakit hindi na lang nila kunin ang twenty-one na nag-audition? Hindi ko makuha 'yung logic.

"We're very sorry, Ms. Fontalera."

Wala ni isang nagsalita. Hindi ako nagsalita. Nakatingin ang lahat sa akin. Hindi ako makatingin sa kanila. 'Yung mga katabi ko namang grade 11 din ay hinagod ang likuran ko kahit na hindi kami magkakakilala. Hinanap ng mga mata ko ang mga mata ng mga kaibigan ko.

Malungkot sila pareho at nakita ko pa'ng teary-eyed itong si Lou. Iyakin talaga ang isang 'to. Nginitian ko silang dalawa. Pagtapos ko sila'ng tignan ay sumunod ko'ng sinulyapan si Joseff na nakayuko lang.

SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon