Prologue

20.2K 85 22
                                    

Prologue

Fate, destiny, and coincidence.

Are they all the same? I beg to disagree. Aminin man natin o hindi, minsan na nating inakalang iisa ang fate at destiny ngunit hindi. 'Yun ang akala ko dati. Sabi ng paborito ko'ng professor noong nasa senior highschool pa lamang ako, malaki ang pagkakaiba ng tatlo.

Pinaniniwalaan sa fate na ang isang bagay o pangyayari ay hindi na pwedeng mabago kahit na ano pa ang gawin. Na may isang malaki'ng order sa kalawakang ito na nagsasabing bawal nang mabago pa ang mga nangyari, nangyayari, at mangyayari.

Iba naman sa destiny.

Para sa akin, mas positive pakinggan ang destiny. May choice tayo kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Tayo ang nagpapatakbo ng buhay natin.

And well, coincidence...

Nagtatagpo lang naman ang mga bagay na walang kahit na ano'ng connections. 'Yun ang pinagkaiba ng tatlo. Noon, mas naniniwala ako sa fate. Na kahit ano'ng gawin ko, may nakatakda na ako'ng resulta sa hinaharap.

Pero habang lumalaki ako, nahihirapan akong depensahan ang paniniwala ko. All I think now is that stupid meaningful coincidence of Carl Jung. That clever psychologist from the past years. You may or may not know him pero isa lang ang masasabi ko...

May point ang studies niya.

According to his Synchronicities, may malalim na connections ang dalawang bagay, tao, o pangyayari na nagtatagpo. Halimbawa na lang sa kalagayan ko...

I met someone years ago and ended up meeting that person again. Sa dinami-daming posibilidad, lugar, oras, o araw, e dito pa talaga kami pinagtagpo ng kung sino man sa itaas. Hindi nakakatuwa.

Nakakakilabot.

"Stop daydreaming, ate!" sigaw ng nakababata ko'ng kapatid na si Frione.

Tumulala muna ako saglit bago siya tapunan ng tingin. Hindi ko alam na ang lalim na naman pala ng mga iniisip ko.

"What is it?" tanong ko, inaalis ang isipan sa taong 'yon.

"I was asking you if you saw Des earlier sa mall kung saan ako namimili kanina." 

Tinignan niya ako nang seryoso at sinubo ang kinakain niyang ice cream.

Umiling ako at bumuntong hininga. "No. I didn't see her. Hindi ko alam na nasa California rin siya..."

Padabog niya'ng binaba ang baso niya at humalukipkip. "You can't fool a fool, ate."

"Frione, just stop. Hindi ko nga siya nakita."

"Then...why are you suddenly quiet? Were you thinking about it...again?"

Hindi ako nakasagot. Kanina pa ako tahimik kasi hindi ko alam kung ano ang una ko'ng mararamdaman. Well, una sa lahat...kung sino man 'yung tao na iniiwasan ko at bigla na lang nagpakita kanina out of nowhere, it wasn't a good idea. Parang 'yung tayog ng pader na binuo ko e bigla na lang gumuho.

I saw Des and I felt nothing but fear.

Sa loob ng anim na taon, nagawa ko siya'ng kalimutan. Pero 'yung pakiramdam na marinig at makita ang pangalan niya pagtapos ng ilang taon na 'yon, nakakapanghina. It's as if hindi talaga ako nakausad sa kaniya.

When I saw her earlier, I couldn't help myself. I couldn't hide the bitterness in my voice. Naluha ako. Sa harap niya.

"Serah?" nag-aalalang tanong ni Des.

Sinubukan niya'ng hawakan ang mga siko ko ngunit sinampal ko kaagad siya nang malakas.

"I-I'm sorry!" natataranta niya'ng sigaw.

Umiling ako. Ako dapat ang humingi ng patawad pero hindi ko alam kung bakit siya 'yung sorry nang sorry. Kinagat ko ang labi ko at pumikit nang mariin.

"Why are you here?" tanong ko habang tinitignan ang kawalan.

"I swear, Serah, hindi ko alam na nandito ka. Hindi ko alam kasi kung alam ko hindi naman kita guguluhin pero...hindi ko rin alam kung bakit kita nilapitan."

Naguluhan ako sa paliwanag niya.

"Umalis ka na."

Tinitigan niya muna ako pababa sa daliri kong may singsing. Tumikhim siya. Nangingilid din ang mga luha niya pero tumalikod din siya kaagad. Napansin ko'ng nanginginig ang balikat niya.

I was not even sorry. Not at all. She deserved this.

"So, when are you going back to reality?" tanong ng kapatid ko pagkatapos niyang kurutin ang braso ko.

"Ano ba 'yon?" irita ko'ng tanong.

"Ate, uuwi na tayo ng Pinas sa Biyernes at parang hindi ka pa rin ready. I know it's been six years pero hindi pa ba sapat 'yon? Namimiss ko na ang mga kaibigan ko..." mahinahon niya'ng paliwanag.

Tumikhim ako. "I didn't ask you to accompany me here, Frione."

Nagkibit balikat siya at tumayo. "I can't leave you here, ate. Not when you're a mess."

Tinignan ko ang likod ng kapatid ko. Umaalon ang buhok niya'ng natural na wavy. Bakat din ang katawan niya sa fitted shirt na suot niya. Maganda ang kapatid ko. Masasabi kong kamukha ko siya. Kamukha rin namin 'yung isa pa naming kapatid.

Unique ang mga mata namin kaya madali kami'ng ma-distinguish sa ibang tao. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na kagandahan ang mga mata namin. Sa aming tatlo na magkakapatid, si Frione ang may pinaka magandang mata. Hindi na ako nagtataka bakit ligawin ang isang 'to.

Kung si Frione ay wavy ang buhok, ako naman ay straight. Ang sumunod ko namang kapatid na si Sol ay wavy rin. Hindi namin siya kasama ngayon dahil busy siya sa Pinas. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

Napangiti ako nang maalala kung gaano kahanga ang mga tao sa pangalan naming tatlo. Unique and elegant.

Serah Fyn Fontalera

Sol Alessandra Fontalera

Sanya Frione Fontalera

Salamat sa mga magulang ko'ng matino magpangalan.

Sumakay na ng sasakyan si Frione. Bumuntong hininga ako. Sa loob ng anim na  taon, siya lang ang nakasama ko pero hindi ko nakwento sa kaniya ang lahat. Lahat ng dahilan kung bakit iniwan ko ang Pinas.

Ayaw ko'ng maramdaman niya ang pangungulila ko. Ayaw ko. I just don't like it when I share my pain to anyone...lalo na sa pamilya ko. If I couldn't handle it anymore, what more kung sila pa?

Kinagabihan, naisip ni Frione na mag-impake na kami dahil sa Friday na ang alis namin. Wednesday ngayon at wala pa ako'ng balak gawin ang mga preparations. Hindi ako excited.

Natatakot ako.

Nakatulugan ko ang pagliligpit. Masyado ring mabilis ang nagdaan na araw at hindi ko namalayan na ito na ang araw ng alis namin. I just hope for a safe trip...and nothing but a safe trip.

Kung ano man ang abutan ko sa Pinas ay sana hindi maguho ang mga pader na itinayo ko ng ilang taon. Kung may makakasalubong man ako'ng parte ng masakit na nakaraan ko, I would just ignore them and continue living my life...even when fate decides to interfere.

It's not like iikot ulit ang buhay ko para sa kanila.

No. Not now. I'm no saint anymore.

SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon