Ako si Bea

319K 1.7K 73
                                    

'Ako si Bea, babae....'

"Naman!" ginulo ni Kuya Arthur ang buhok ko.

"Balak mo bang maging tomboy?" natatawang kinurot ng Kuya Remi ang pisngi ko.

"Itatakwil ka namin!"sabay kindat ng Kuya Cedie ko sa dalawa.

Nginusuan ko silang tatlo at umalis sa harap ng salamin. Pumunta ako sa kusina at tinulungan si inay sa paghahain ng hapunan. 

"Oi, Tigilan nyo yang si Baby. Kandahaba na naman ang nguso niya,"natatawang awat ng tatay kong sobrang bait na si James.

"Halina kayo at magsikain," kinintalan ako ng halik sa noo ng nanay kong si Annie. 

Mahaba pa rin ang nguso ko ng maupo.

Isa isang naglapitan sa akin ang tatlo kong kuya at hinalikan ako sa ulo.

"At dahil ikaw ang nauna Arturo, ikaw ang magdasal," napangiti si Tatay ng makita niyang napakamot ng ulo si Kuya.

Masarap ang ulam namin. Ginataang kalabasa na may ulo ng hipon (ulo lang ng hipon ang afford namin sa palengke). Lahat kami nag-aaral kaya mahigpit sa budget si Nanay. Buti na lang, iyon ang forte niya. 

Sila ang pamilya ko. Kahit inaasar ako ng tatlong itlog, sobrang mahal ko ang mga yun. Eh ikaw na ang nag-iisang babae at bunso pa, ano ang aasahan mo?

Itutuloy ko ang pagpapakilala ko sa inyo.

Ako si Beatrice Maurice Antonio. Ganda ng pangalan no? Pang mayaman pero kabaliktaran kami nun. Di naman kami sobrang hirap sa buhay kasi si Tatay, empleyado sa malaking opisina. Tagal na niya dun. Si Nanay naman, ayaw pagtrabahuin ni Tatay pero minsan lalo na kapag gipit, naglalabada siya. Ang tatlong bugok, lahat sila working student. Sa public school sila pumapasok, sa PUP, buti na lang walking distance lang mula sa bahay kaya tipid sa pamasahe. Ako, dahil nakakuha ng scholarship mula sa foundation ng amo ni Tatay, sa private school ako. Libre naman lahat eh. Pati pamasahe. 

Ito ang aking buhay....

Ito ang aking kwento...


 

Mr. Nuknukan Trilogy (d' 1st) - Alexis (Published under Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon