Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)

1.2M 15.3K 2.5K
                                    

 DATE POSTED: July 30, 2011


Chapter 19 - Being pretty for what

Hindi nakita ni Harley sina Kent at Elisa kanina. Hindi niya din alam kung bakit mukhang badtrip si Phoebe.

"Anong problema mo? Para ka namang pinagbaksakan ng langit at lupa" sabi ni Harley kay Phoebe ng umaandar na ang sasakyan

"Ambaho kasi ng kotse mo" sabi niya na lang, ayaw niyang magpaliwanag kay Harley. Pero totoo namang mabaho ang kotse nito.

Ang ganda nga ng kotse, ambaho naman. Naisip niya dahil napa-wow siya ng makita kanina ang pulang Jaguar. Di niya alam bakit ganun parang may amoy.

"Grabe ka, leather kasi yan eh. I saw you crinkled your nose eh, sorry medyo maamoy talaga ang leather, pure leather kasi tong loob."

Leather? Kahit na ambaho pa rin. Kasimbaho ng ugali ni Kent. Tssss. Hay!!!! Nakakaimbyerna talaga yung lalaking yun. May pakiss-kiss pa kanina, tapos may date naman pala sila ni Elisang bruha. Dibale may date din ako akala niya.

"Buti naman pumayag ka na Isabelle." sabi ni Harley

"Hwag mo na akong tawaging Isabelle, Phoebe na lang" sabi niya

"Ahh gusto ko Isabelle eh, Para ako lang ang tunatawag sayo na ganun, special ako. Pero buti pumayag kang makipag-date sa akin" sabi ni Harley.

"Basta sabi mo magdidisguise tayo eh." Naalala ni Phoebe yung sinabi ni Harley kaninang umaga.

"Hindi naman sa disguise, ako lang ang magdi-disguise, make-over ang sayo"

Lalong sumama ang mukha ni Phoebe.

Make-over, So ang pangit ko diba?

Mukhang nabasa ni Harley ang nasa utak niya.

"Hey!! Don't get me wrong Isabelle, I didn't mean you look awful, in fact you look so attractive.

Ako? Attractive?

"Bolero!" sabi niya

"Uyy ngingiti na yan!!! Hwag ka ng badtrip ah."

Medyo okay na si Phoebe kahit nagngingitngit pa din ang kalooban niya kay Kent. Natuwa kasi siya at sinabihan siyang attractive ni Harley. Hindi pa yata siya sinasabihan ni Kent na maganda siya.

"Bakit mo ako niyayayang makipagdate? Marami namang single na babae dyan" curious na tanong ni Phoebe.

Ngumiti si Harley habang nagmamaneho. Di ito sumagot

"Bakit nga? Gusto mo ba talaga ako?" diretsong tanong niya na kay Harley.

"Bakit? Kung sasabihin ko bang gusto nga kita, hihiwalayan mo na si Kent?"

Natahimik si Phoebe.

Hihiwalayan ko si Kent?

"I don't know." Sagot niya.

"Mahal mo ba siya?" tanong ni Harley.

"Asawa ko siya."

"Di ko tinatanong kung kaanu-ano mo siya, Tinatanong ko kung mahal mo na siya."

Nilagay ni Phoebe ang dalawang kamay sa mukha niya.

Mahal ko na ba yung masamang taong yun?

"Ano Phoebe?" pangungulit ni Harley.

"I don't know. Minsan naiinis ako sa kanya at nagagalit. Di ko alam. Pero minsan..."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon