[32] The Gaps and Bonds Between Us

42.1K 618 200
                                    

Did I keep you waiting? I'm still in between breaks of studying so eto lang muna para naman hindi din makalimot.

_______________________________________________

Rain's POV

"What??!!!" Makabasag tengang sigaw ni Lena habang nkakahiga siya sa hospital bed.

"Ingay ingay mo bakla, bumukas yang sugat mo sige ka" banta ko sa kanya.


Apparently ay may nangyari daw dito kagabi, may nanloob daw sa bahay nila ni Aston habang tulog ito, at ito namang amazona kong kaibigan ay talagang hinabol pa ang mgnanakaw, kaya naman ng nalaman ko ay nagpunta na ako dito para na din makatakas sa bahay, makamusta si Lena at makapanghinga din ng sama ng loob. At iyon na nga ang nangyayari.

"Teka lang! Magulo! Papano?"

"You heard me" saad ko nalang sabay buntong hininga

"Wow bakla... I don't know what to say...hindi ko alam kung papano ako magrereact" anito

"Yeah I know ako nga din eh" I sighed. Matagal ko ng mahal si Reino at marami na kaming napagdaanang dalawa pero ni hindi ko naimagine na ito ang kahahantungan ng lahat.

An arranged marriage

"Grabe lang kayo bakla! Ang bilis niyo! Ako nga hindi pa nakakascore kay Aston eh tinulugan ako ng unfit na yun kagabi eh kainis" pagsesentimyento nito"

"Oo nga---ay teka! Ano sabi mo???" Gulat na sabi ko

"Asus pa-demure ka pa jan ha? 'Ne nahuli na nga kayo ng lolo mo eh, so ano na? Share mo naman masaya ba? O masakit?" Tanong pa nito at sa inis ko sa babaeng manyakis na ito ay hinampas ko siya sa braso

"Walang nangyari okay??!!!" Gigil na saad ko,

"Aray naman...makahampas lang ha? Ang corny niyo naman" ismid pa nito. I just rolled my eyes at her.

"Tse! At least ako single kaya may karapatan pa akong maging virgin eh ikaw?" Ismid ko pabalik sa kanya

"O maghintay ka! Magagahasa ko din si Astonko" saad pa nito sabay tawa, natatawang hinila ko lang ang buhok niya

"Yuck pinagnanasahan mo si Aston in broad daylight hindi naman halatang masyado kang nabitin ano 'te?" Saad ko sa kanya at pumitas lang ito ng isang Piraso ng ubas na dala ko

"O e ano naman ngayon? Asawa ko naman haha! pero di nga bakla...kidding aside ano na ang plano niyo nyan?"

"Hindi ko alam" saad ko "I mean, saksi ka Lena kung gaano ko kamahal si Reino... at aaminin kong...masaya ako at ikakasal na din kami sa wakas, pero never kong naimagine na darating ang panahong magiging kasalang pilit lang ang magaganap" sabi ko, pilit na bumangon si Lena sa higaan at inabot ako para mayakap. Yumakap na din ako sa kaibigan ko at pinalabas ang mga luhang naipon sa hindi ko alam na kadahilanan.

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now