Chapter Forty Eight - Claws

274K 2.8K 388
                                    

Chapter 48

Pagkatapos ng meeting ay kaagad siyang pumasok sa kanyang opisina. Greg already left the meeting ten minutes ago dahil may dinner ito kasama ang ibang foreign associates nito. Pero bago man ito tuluyang umalis ay ninakawan siya nito ng halik sa labi na ikinagulat niya at lahat ng tao sa loob ng conference room.

Hindi niya maiwasang di tapunan ng tingin si Kyra ng ginawa iyon ni Greg. Kyra was just smiling at her like it was the sweetest thing she had ever seen. Pero of course, alam niyang plastic lang ang ngiting iyon.

Napaupo siya sa swivel chair at inikot iyon, facing the floor-to-ceiling window. Tanaw na tanaw niya ang buong kamaynilaan sa kanyang kinauupuan. It was such a breathtaking view at talagang nakakawala ng stress.

Pagod siya dahil sa biyahe at stress siya dahil sa pagbiglang sulpot ni Kyra. Ano na naman kaya ang pakay nito? She remembered well what Kyra said before, “I will never stop until you are on bended knees! Do you hear that, Gaby?!” Iyon ang huling sinabi nito sa kanya.

“He’s cute.”

Nanlamig ang kanyang katawan ng marinig ang boses na ‘yon. Dahan-dahan niyang nilingon ito at nakita niyang hawak pala nito ang isang picture frame na mukha ni Gavin ang laman. Nanigas ang kanyang katawan ng nakita ang ngiti nito. She always hated that smile.

Hindi niya ito kinausap at wala siyang planong makipag-plastikan dito. She remained looking at her with a bored expression. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Kyra. “He’s five years old right? He’s so cute! Manang-mana sa daddy niya.”

Biglang tumaas ang dugo sa kanyang ulo ng marinig ang sinabi nito. “Anong kailangan mo Kyra?” Kalmado niyang tanong. Hindi niya dapat ipakita ditong naaapektuhan siya sa ngiting-aso nito.

Nagkibit ito ng balikat at binalik na sa kanyang mesa ang frame. “Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin. Matagal-tagal na din kasi tayong hindi nagkikita eh. Nakakamiss din ang bestfriend ko.”

Kung pwede lang pumatay ng tao ay kanina niya pa ginawa. Nanatili lang siyang tinitingnan ito sa nababagot na ekspresyon. Kung hindi mag-iingat ang babaeng ‘to ay tiyak siyang makakatikim ito ng tamis na mga salita mula kay Bree. “Oh, really.” Bored na sagot niya.

Tumango-tango ito. “Really, best. Alam mo nung umalis ka dito sa Pilipinas, buong akala ko talaga’y di ka na babalik eh? Bigla ka kasing nawala na parang duwag. Oops! Sorry, I didn’t mean to say you were a coward. I’m sure may rason ka kung bakit mo naisipang umalis. Nag-away ba kayo ni Greg?” Tanong nito sa kanya.

Napapikit muna siya bago muling minulat ang mga mata. Sinuklian niya ng ubod tamis ang ngiti nito sa kanya at tumayo. Lumapit siya sa isang mini table kung saan nakapatong ang isang bote ng wine at dalawang wine glass. She poured herself and Kyra a drink. Nang nilingon niya ito ay nakita niyang bahagyang nakakunot ang noo nito sa kanya at para bang di nito alam ang gagawin.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon