[45] Sigh

466K 9.9K 4.9K
                                    

[45] SIGH

 

KAYE ANNE'S POV

 

Awkward silence. Bakit ba sa tuwing kasama ko si Nathan sa loob ng kotse ay naiilang ako? WAAAAAH! I don't like this kind of atmosphere!!! I want to get outta' here. 

"We're here..."

Napatingin ako sa kanya pagkasabi niya nun. Medyo inayos ko pa ang buhok ko at sinimangutan siya. "Nathan naman eh! Pwede namang sa bahay nalang. Bakit dito pa sa bahay mo ako dinala?" 

"Bahay mo man o bahay namin, wala namang pinagkaiba yun." He answered as he turns off his engine. Tumingin siya sa akin at tinititigan ako ng mabuti kaya naman naconscious na ako!

"Geez! Iniinis mo ba ako, Nathan?" Sabay iwas ko ng tingin. 

"Tch. Ganyan ka na ah. Porket, may suitor ka na, ayaw mo na magpatitig sa akin." Yung boses niya parang nagtatampo kaya nilingon ko na siya. I saw him laying his back against the seat. Ha! Eh kung ikaw naman kasi ang nanligaw sa akin dati pa, malamang ikaw sana katitigan ko ngayon. Pfft!

"Yung totoo, Nathan? Are you..." I cleared my throat. "Jealous?"

Napakurap ako nang bigla siyang tumingin sa akin with his frown. "Pfft! As a friend ha? Nagseselos ka ba?" I added. Iba kasi yung tingin niya kaya dinagdagan ko. Umaandar na naman kasi ang pagkaassumera ko eh!

Bumuntong-hininga muna siya saka siya tumingin sa harapan. "Selos?" He questioned in his irritated tone. "Tinatanong pa ba yan? Hindi ba obvious... kulet? Malamang, oo."

Napahawak nalang ako ng mahigpit sa skirt ko sa sobrang lakas ng pagsipa ng puso ko. AAHHHHHH sheez! He's jealous?! Sige, magselos ka! Pfft.

"Err... Bakit naman?" I tried to sound normal.

"Eh kasi naman, puro ka nalang Austin, Austin, Austin, Austin. Hindi ba pwedeng Nathan, Nathan, Nathan, Nathan naman? Nakakaumay yung g*gong yun eh." 

"Wuy! Don't call him ga--- Basta yun!" Ano ba yan. Bad word eh. 

He turned to me with his serious look. "Ayaw mo ng g*go? Edi t*ran-----" Before he could finish what he's about to blurt out, I immediately covered his mouth with my right hand. Akala niyo, kinover ko ng lips ko noh? Bleeeeh! 'Di noh! 

"Huwag mong itutuloy yan, ang bad ng bibig mo. Buti pa si Austin, hindi nagmumura."

Inalis niya naman ang kamay ko sa bibig niya. "Oh diba? Austin na naman?" 

I sigh and looked to him. "Nathan, why are you so childish?"

"Iba ang childish sa jealous, kulet. Huwag mong ilihis." Saka siya nagmake face at hinawakan ang steering wheel. "Nagseselos ako kasi siya lagi ang kasama mo. Nagseselos ako kasi puro siya ang bukambibig mo. Nagseselos ako kasi nakakalimutan mo na ako. At nagseselos ako kasi nasanay akong ikaw ang lagi kong kausap pero ngayon hindi na dahil umeeksena siya." Then he paused and jerked his head to me. "Now tell me, bestfriend mo pa rin ba ako, Kaye Anne?"

Shoot! The magic word again.

Napaiwas ako ng tingin at in-unbuckle ang seatbelt ko. "Of course, bestfriend kita. Ganito lang yan eh, you're busy with your girlfriend and Austin makes me busy with himself. That's fair, right?"

"Tch. Basta ako, hindi kita nakakalimutan kahit kasama ko si Chelsea. Eh ikaw? Parang kay Austin na umiikot ang mundo mo eh." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Wow, nang-aasar ba siya? -_~

But w-wait? Hindi niya ako nakakalimutan?! 

"Baliw! If you're referring about the Tagaytay trip, well, I'm sorry. Sorry talaga!" Sabay hila ko pa sa sleeve niya.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon