75: Time will come, we'll meet again.

73.6K 590 54
                                    

A/N: Please read the A/N in the last page. Again, lots of typos and grama errors, bear with me people, I'm having a hard time configuring those. Lol.

Namiss nyo ba ang POV ni Gab? Puwes eto na sya..

 

If you look inside a girls heart, you'd see how much she really cries, you'll find hidden secrets, best friends and lies, but what you'll see the most is how hard it is to stay strong when nothing is right and everything is wrong.

(c) Dawson's Creek

PREVIEW:

"I'm desperate. I wanna see my wife, I miss her badly.."

 

Chapter 75: Time will come, well meet again.

Gab's POV

Limang buwan.

Limang buwan na ang nakalipas simula ng iwan ko sya. Limang buwan na wala sya, wala sila, walang ngiti, walang saya, walang kahit ano.

Nasaan ako? Nasa isang lugar kung saan walang nakakakilala sakin, walang nakakaalam kung sino talaga ako. Ako lang ang nakakakilala sa sarili ko, tanging ako lang.

Tss. Naluha ako ng makita ko nanaman ang dyaryo, picture ko ang nakalagay dun. Simula ng mapunta ako dito araw araw ko ng nakikita ang picture ko sa dyaryo, madalas pa nga sa t.v.

Agad kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses nya, "Luis kamusta?" bati ni Sena. Kapitbahay ko sya, nakilala ko lang sya dito, mas matanda sya sakin ng dalawang taon, kagaya ko mag-isa na lang din sya sa buhay.

"Ayos naman" sagot ko. Ngumiti sya tapos inabot sakin ang isang malaking paper bag na may lamang gamit. "Kapag may kailangan ka pa tawagin mo lang ako huh?" mabait sya at matulungin, simula ng mapadpad ako dito sya na ang tumulong sakin.

"Salamat talaga Sena.. Pangako makakabawi din ako." umupo sya sa tapat ko tapos hinawakan ang tiyan ko.

"Nako Luis! Wala nga sabi 'yun e! Basta nandito lang ako para sayo." hindi ko maiwasang maluha, masyado akong natutuwa dahil sakanya. She treats me more than her sister and I can't help but to think na I'm a great pretender. Hindi ko masabi sakanya ang tunay na ako dahil natatakot ako.

5 million reward. 'yun ang reward sa taong makakapagturo kung nasaan ako, hindi ko alam kung kanino 'yun galing, ang alam ko lang habang patagal ng patagal ang pagkawala ko mas tumataas ang halaga nun.

"Hanggang kelan ka magtatago?" nagulat ako sa tanong nya. "H-huh?" maang ko. Lumapit sya at inayos ang buhok ko.

"Gab, alam ko, matagal ko ng alam" hindi ako nakagalaw nang binanggit nya ang pangalan ko. Hindi ako nakasagot, parang bigla na lang akong nagyelo.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon