Kabanata 50

110K 1K 20
                                    

Kabanata 50

Stay away

"Flash news: Graduating student nabaliw!" Napatingin naman ako kay Nica. Anong sinasabi ng babaeng ito? "Te. Ngiti ka ng ngiti diyan. Buti na lang kaunti lang ang tao sa cafeteria. Naku lang..bes!"

"E kasi..."

"Landi! Nag-usap kayo ni papa Gideon no?" Siniko siko pa ako ni Nica. Kasalukuyang nasa cafeteria kami, free time namin ngayon. E kasi naman nakausap ko si Gideon. Bitin nga e. Kung hindi lang madaling araw doon at hindi pagod si Gideon sa trabaho, sinulit ko na yung pagchachat namin.

Tumango naman ako. "Kalandian niyo bes!" Tinulak tulak pa ako. Muntik na nga akong mahulog sa upuan. Ganito talaga e. Mas kinikilig pa ang kaibigan mo kesa sa'yo. Kung kilig na kilig ka na mas kikiligin siya. Jusko! May kasama pang mga hampas kapag kinikilig si Nica.

"Oo na bes. Kailangang itulak..." Umayos naman ako ng upo kasi may mga tao na dumadating sa cafeteria. Napalapit naman ako sa ulo ni bes ng makita ko si R niya. "Uy. Si R o." bulong ko kay Nica. Papasok si R ng cafeteria at umupo dun sa table na malapit sa amin. Pero parang hindi na nagwawala ang bes ko. Dati kasi kapag nakikita si R nagwawala na 'yan. Pero ngayon anyare?

"Bakit naman?" Nagulat naman ako sa sinabi ni bes. Hala, sinaniban na ba ng kademuran 'tong bestfriend ko at hindi na nagwawala.

"Hala, Si R kaya yan."

"Ah. R." Tumango lang ng isa si Nica tapos tinignan ang relos niya. Aba't nagugulat talaga ako sa aksyon niya ngayon a. Hindi man lang sinusulyapan si R. Hala siya? Sinaniban na 'to. "Uy, sara mo yang bibig mo kahiya sa akin." Hinawakan niya ang baba ko at ginalaw ng kaunti para masara. Kailangan kong huminga ng panandali. Hindi ko maabsorb ang nangyayari ngayon.

"Pero bes si ---"

"Anyare sa'yo. Sige na may class na ko. Kita na lang tayo sa gate." At hinalikan niya ako sa pisngi. Tapos ay naglakad palayo.

Shocks!

May nahihinuha talaga ako. Pero kailangan ko talagang masiguro kung totoo iyon.

Kakatapos lang naming magmeeting about sa Thesis 2. Nandyan na si Nick pero tahimik lang siya. Hindi ko na inimik kasi hindi naman ako iniimik. Malimit siyang tumingin sa akin ngayon. Hindi katulad dati. Siguro'y akala niya galit pa rin ako. Pero hindi naman ngayon kasi okay na kami ni Gideon.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas na ako ng building. Tutungo na akong gate. Siguro'y naghihintay na ang lukareng kong bestfriend doon. Pero naglalakad pa lang ako roon ay may humawak ng balikat ko. Tinignan ko naman over shoulder.

"Nick." Napaharap na ako.

"Anong mayroon sa inyo ni Mr. Jimenez. Is he using you for me? For my family? Stay away Alysson. Lumayo ka sa kanya. He's just using you against me. " Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Ang higpit ng hawak niya roon.

"Nick anu ba!" Inalis ko ang hawak niya sa balikat ko. Umatras ako sa kanya.

"Money? Pera ba ang kailangan? Yung utang ba ninyo Aly? Kaya kong bayaran iyon---"

"NO! You and I are not going to happen. Kaibigan lang kasi. At hanggang doon lang" Mabuting na masabi sa kanya ang totoo. Hindi ko man lang masabi yung kay Gideon. Hahayaan ko na si Gideon roon. Hahayaan ko na lang bigyan ng issue ng tao ang relasyon namin. Pero alam ko namang matatanggap nila iyon. Hindi ko pa nga nasasabi ito kay mommy.

"No! May ginawa ba siya? Sinabi ? para sabihin mo iyan sa akin. I know Aly you love me."

"No! Nick. Mali ka ng sinasabi." Mali ka Nick. Mahal ko si Gideon. At alam kong kapag nalaman mo iyon masasaktan ka. Ayoko nun.

Mabuti siguro kung maglakad na ako. Para hindi na maungkat ang ilang issue. Ayoko munang pag-usapan iyon ng wala si Gideon. Hindi muna.

Nag-umpisa na akong lumakad. Pero hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan ni Nick ang braso ko at pinilit iharap sa kanya.

Nick is going to kiss me. Pero bago niya magawa iyon ay tinulak ko siya ng malakas. "Nick! Stay away!" Paano na lamang kung nahalikan niya ako? Kung malaman ni Gideon to? Ih Nakakainis!

"Aly you don't need to hide your feelings on me. Dammit! I know! I know you love me. And I love you Aly." Lumalakad siya palapit sa akin. Napapaatras naman ako.

"Hindi. Hindi Nick. Mali ka."

Nang mahawakan niya ako ay pinilit niya akong yakapin siya pero buti na lang may dumating. Tinulak ni manager si Nick. "What the hell are you going to do, bro?" Tumungo sa harap ko si manager.

"Anong nangyayari dito?" nandito na rin sa tabi ko si bes. Niyakap naman niya ako at tumungo sa harap ko.

Pero hindi nagsalita si Nick at lumakad palayo. Pumasok ng building. Hinarap naman ako manager. "Are you okay?"

Tumango naman ako. Yinakap ako ni manager ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. Ang strange, ang weird. Napakalas naman ako agad.

"Thank you." at ngumiti ako. Hinarap ko naman si bes. Pero nakakagulat yung reaksyon niya. Hindi ko maintindihan.

Naglakad na kami patungong gate. Si Karl na ang maghahatid sa amin. Nung nasa kotse ay bigla namang nagsalita itong si manager.

"Uy Aly birthday mo pala bukas. Anong meron?" Pero ang kinagulat ko ay ang pagbatok ni Nica kay Karl. Natanggal ulo ni manager. Chos. Joke lang. Pinanlakihan nga ni bes ng mata si Karl e. Anong meron?

"Bibig mo naman de Vera. Bwiset." Tapos nag umpisa na naman silang magsalita ng magsalita. Hala birthday ko pala bukas. Nakakalimutan din pala minsan ang birthday kapag maraming iniisip. Buti na lang pinaalala ni manager.

May mangyayari kaya bukas?

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon