Kabanata 50

1.1M 22.6K 5.8K
                                    

Kabanata 50

Hinagis Sa Ere

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang tinitignang mabuti ang binigay ni Troy. Nakahawak ang isang kamay niya sa manibela habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa kamay ko.

"Do we really need to do this?" Tanong niya sakin.

"Troy, mga kaibigan mo sila. Karapatan din nilang malaman kung ano talaga ang nangyari."

"I already told them you're not cheating on me." Lumunok siya.

"Oo tapos inaway mo sila dahil sa pagdududa nila sakin? Of course magdududa sila kasi may history akong nag cheat. Tsaka di nila ako kilala, Troy... Ang akala ng mga kaibigan mo ginagamit lang kita."

Tumango siya at patuloy na nag drive.

"Tatanggapin nila ang desisyon natin kung  totoong kaibigan mo sila."

Pumasok na sa gate ng school ang sasakyan niya. Napapalingon talaga ang mga estudyante sa sasakyan niya. Syempre dahil sa mga oras na ito, walang estudyante dito sa school namin ang hindi nakakaalam sa buing istorya ng pagtataksil ko di umano kay Troy.

Ang akala ko noon, kung magkakaboyfriend ako, tahimik lang at hindi iniintriga tulad ng sa amin ni Jayden noon. Pero ngayong kay Troy ako nahulog at siya na ang naging boyfriend ko, nawala nang parang bula ang mga inakala ko. Hindi kailanman matatahimik ang buhay dahil maraming nakakakilala sa kanya. Maraming may gusto sa kanya kaya malabong maubusan ako ng karibal. Maraming mas lalo pang sisira sa pagkatao ko. Maraming makikiusyuso sa pribado naming buhay.

"I'm kinda uncomfortable." Sabi ko nang lumabas kami sa sasakyan niya.

Marami na kasing nakaabang sa paglabas niya. Ang akala siguro nila ay mag isa lang siya dahil nagsilakihan ang mga mata nila nang nakita akong lumabas. Kinuha agad ni Troy ang kamay kong may engagement ring.

Nilagpasan naming dalawa ang mga nakiusyuso. Ni hindi ko na kayang tignan ang mga mukha nila dahil alam kong puno lang yun ng galit para sakin. Naiinis sila dahil akala nila napaikot ko na naman si Troy kahit may ebidensya na sa pagtataksil ko.

Napatingin ako kay Troy na diretso lang ang tingin sa daanan namin. He's still so cool even when he's beside me. Kahit na pangit ang image ko dito sa school, hindi ko siya kayang hatakin pababa. Ganun ka tayog ang tingin ng mga tao sa kanya. Gwapo, matipuno, mayaman, suplado pero puno parin ng charisma... kaya mahal siya ng mga tao. Mahal siya ng mga tao kaya kinakamunhian naman ako.

"Sino kaya yung nag video?" Tanong ko sa kay Troy habang naglalakad kami papunta sa mga kaibigan niya.

Napatingin siya sakin, "Wa'g mo ng alamin."

"Ha? Kilala mo ba? Sino?"

Umiling siya.

Napaisip tuloy ako.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon