Chapter 57

1M 20.4K 3.5K
                                    

Chapter 57

"Uy, besh, okay ka lang?" sabi sa akin ni Aya. Nandito kami ngayon sa bahay nila, wala kasi yung parents niya kaya pinapunta niya ako. Isa pa, kasi nag away sila ni Kent! Akalain mo uso pala kila Aya at Kent yung totoong away?!!

Tumango ako tapos kinuha ko yung notes ko. Medyo delikado talaga ngayon. Okay naman ako sa iba kong courses na CA related pero huhuhu pagdating sa Math at ibang subject, it's so hard!!

Biglang nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nagtext.

From: The Drake Palma Way

Where are you?

=_____=

Hindi ko nga nireplyan. Alam niyo ba, lately nasasakal ako kay Drake!! Syempre natutuwa naman ako kasi ibig sabihin nun, love na love niya ako kasi oras oras tinetext niya ako kung nasaan ako pero kasi, para namang makikidnap ako kung magtext siya!

"Sino yung nagtext?" sabi ni Aya.

"Si Drake," sabi ko.

Tumango tango si Aya. "Bakit hindi ka nagreply?" Nilagay ko yung dalawa kong braso dun sa table tapos yumuko ako. Bukod sa texts ni Drake na medyo overrated na, stressed ako sa subjects ko pati na kay Tripp. Haaay, ang gulo ng buhay ko, in all fairness!

"Ewan ko dun. Minsan nga sasabihan ko lagyan niya na ako ng tracking device para matahimik siya."

Biglang tumawa si Besh. Nababaliw na. Tsk. Porke first time lang silang nag away as in for real ni Kent, baka hindi niya kinaya kaya siya nagbreak down?

"Alam mo, Besh, ang layo na ng narating mo, no?" sabi niya.

"Huh?"

"I mean, tignan mo, dati ikaw ang naghahabol kay Drake, yung pinilit mo pa siyang maging boyfriend mo... tapos ngayon tignan mo, siya na yung naghahabol sa'yo... Ang galing, no?"

Hindi ako nagcomment. Ano ba sasabihin ko? Na masaya kasi hinahabol ako ni Drake? Ang pangit kasi ng term, hinahabol... di ba pag hinahabol, ibig sabihin nun tumatakbo ako kasi hinahabol ako? Ganun ba yung setup ngayon?

"Uy," sabi ni Aya tapos kinalabit niya ako. Napatagal yata ako sa pag iisip. Medyo lutang talaga ako. 2 weeks na lang kasi, finals' week na. Idagdag mo pa na lagi kaming magkasama ni Drake sa gabi, tapos pag umaga naman, si Tripp naman yung kasama ko. Medyo busy talaga akong nilalang.

"Hala, sorry, besh. Medyo magulo lang talaga isip ko!"

Natawa si Aya. "Tss. Lagi naman magulo ulo mo. Hahaha!"

=______=

Hinila niya ako patayo tapos niligpit niya mga gamit niya. "May event sa Brent ngayon, di ba?" sabi niya sa akin. Tumango ako, last event for the term na kasi 'to, dahil patapos na nga kaya naisip ng Student Council na magdaos ng event.

"Tara, besh! Punta tayo!!"

"Ayoko, ikaw na lang," sabi ko. Iniiwasan ko din kasi si Tripp ngayon, kasi naman, lagi ko ng tinatry na sabihin sa kanya na wag niya na akong ligawan pero pag malapit ko ng sabihin, bigla siyang may gagawin para hindi matuloy. Mas lalo tuloy akong nagguilty! Pati si Shaira, feeling ko napaka super sama ko na. Ang bait sa akin ni Pugits! Biruin mo, dinalan niya ako ng isang basket ng freshly picked strawberry sa condo tapos ano ginawa namin ni Drake? Kinain namin pag alis niya, sinubuan pa ako. Jusko, feeling ko sinusunog na yung kaluluwa ko down there!

In the end, hinatak niya pa din ako. Medyo amazona kasi si Aya kaya kayang kaya niya akong kaladkarin wherever. Pero medyo nagpakaladkad na din ako. Miss na miss ko na ang babaeng to eh!!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon