Just afraid..

8.1K 268 195
                                    

Just afraid.

Gab’s POV

“Oy BOSS!!”

 

Nakita ko siyang tumakbo kaya tumakbo narin ako. Tsk. Nakakainis kasi eh! Nakakainis kase… Hindi ko man lang magawang mainis o kaya magalit sa kanya. Ewan ko kung bakit. Lecheng puso na’to eh.

“BOSS NAMAN’O! Galit ka ba?”

 

Nilingon ko siya habang naglalakad ng mabilis “Pwede ba LEE, may praktis pa ako!” Nakita ko naman siyang ngumiti at parang natatawa yata sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa dun?! Still, nakasunod lang siya sakin.

“Kaka- announce lang na wala kayong praktis boss ah! Palusot mo eh. Pfft.”

=___________=

Oo nga pala. Tsk. Di benta palusot ko.

“AH BASTA! AYAW KITANG MAKITA NGAYON!” sabi ko ng nakatalikod. Namalayan ko nalang na hinila niya ako paharap sa kanya kaya mabilis kong pinikit ang mga mata ko. SABI KO DIBA AYAW KO SIYA MAKITA!

“Boss naman… galit ka parin ba? Bat ka naman galit sakin?” parang nagpe- plead niyang sinabe. Hindi naman ako umimik at nanatili ko lang ipinikit ang mata ko.

“Boss… tingnan mo naman ako please.” NR parin ako.

“Oyyy..” naramdaman ko nalang na sinusundot- sundot niya ang pisngi ko. Pagkatapos, ilong ko naman yung pinisil niya kaya sinapak ko yung kamay niya.

“You know what?” siya.

Narinig kong huminga siya ng malalim. Gusto kong ibukas yung mga mata ko kasi baka sobrang lapit na niya pero masisira naman yung galit- galitan ko ‘kuno’ kaya wag nalang.

Lee please… konti nalang… konti nalang talaga at malalaman ko na yung ‘something’ na nararamdaman ko sayo. O alam ko na yata, ngunit nahihirapan lang akong aminin? >__<

“Ano?” – ako. Still, nakapikit parin ako at kunyari galit- galitan. Kahit na gusto ko na siyang i-hug at sabihing okay na. Enough na sakin yung hinabol niya ako para alamin kung galit ba’ko sa kanya.

“You just don’t know how much I wanted to kiss you right now.”

Parang nagkaroon ng sariling isip ang mga mata ko at automatic na napadilat. Mas dumoble pa yung bilis ng pintig ng puso ko nung nakita kong anlapit pala niya sakin. Napaatras tuloy ako sa pagkabigla.

“A-anong sabi mo?” halos nabubulol kong sinabi. He breathed deeply at tiningnan ako ng maigi. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya o ano ang gusto niyang gawin o kaya sabihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAMPUS CRUSH meets the GANGSTER #HIATUS#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon