73: Pagsuko.

74.7K 716 144
                                    

This chapter is dedicated to you my dear. @mairahbunquin maraming salamat sa pagsubaybay at sa pagbabasa ng story ko. Salamat sa napakahaba mong message na lubos na nagpaantig sa damdamin ko. Hehe lol. Thank you and Godbless.

A/N: Sorry guys ang dami ko pa lang napaiyak sa chapter 72, haruuu.. Pwede na ako maging writer sa teleserye! (joke ulit! Peace)

 

Anger is just a cowardly extension of sadness. Its a lot easier to be angry at someone than to tell them youre hurt.

(c) Tom Gates

PREVIEW:

"Ang sakit samin kasi eto kame nagpapakatatag, patuloy na lumalaban pero sya.. Sumusuko na."

 

Chapter 73: Pagsuko.

Briel's POV

Hangos na hangos na dumating si Mike, namumula ang mata nya na para bang kakagaling lang sa mahabang iyak, "Mike, she's critical, the baby.." hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin dahil ayokong mabigla sya.

"Tell me she's fine! Tell me!" hinawakan nya ako sa kwelyo kaya napasandal ako, alam ko namang hindi nya sinasadya e, nadadala lang sya ng takot, lumapit sila para awatin si Mike pero parang wala syang naririnig. Parang hindi nya kame kilala.

"Tell me! What about my baby??!!"

"Y-your baby is gone" mautal utal na sabi ko, saglit syang hindi nakaimik, tumutulo ang luha pero blangko ang ekpresyon ng mukha. Naluha na din ako at tuluyan ng bumigay, masakit saking mawala ang pamangkin ko, lalo pa't kitang kita ko kung paano nya napasaya ang mommy nya.

 

Ngumiti si Mike, ngiting sarkastiko, ngiting nasasaktan, "Shit Briel! Hindi ako nakikipagbiruan! Seryoso ako!" pero hindi din ako nagbibiro, hindi ko kayang gawing biro ang sitwasyon ng kapatid ko.

"Hindi ako nagbibiro" napayuko ako, kasabay nun ang pagtulo ng sunod sunod na luha. Unti unti ng lumuwag ang  pagkakakapit nya sa kwelyo ko, parang bigla na lang syang nawala sa sarili.

Hindi sya nakapagsalita, blangko lang ang mukha nya. Agad na nilapitan sya ni Mikah, isinandal nya ang ulo nya sa balikat ni Mike at saka sya umiyak.

Napatayo kaming lahat ng biglang lumabas ang doktor, agad namin syang nilapitan habang hinihintay na magsalita, seryoso ang mukha nya na para bang hinahanda ang sasabihin saming lahat.

"Doc how's my wife??!! She's fine right???!!!" niyuyugyog na ni Mike yung doktor pero nananatili pa din itong kalmado.

"Sorry to say but she's in trauma" saglit syang natigil, pakiramdam ko pati ang paghinga ko tumigil din,

"We did some pelvic examination. imaging and ultrasound, we found out that she'd suffer from spontaneous abortion." lumapit sakanya si Nico saka sya niyugyog ng malakas.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon