The 7th Thing. [09 - Tell the Truth. Or Do the Dare]

67.8K 1.5K 128
                                    

9. Tell the Truth. Or Do the Dare.

Dahil okay lang naman daw sa Resto na magtruth-or-dare kami, gumawa kami ng circle. Yung bottle na ginamit namin is yung bottled water na lang.

"So, ako mauuna ha?" Sabi ni Ethan.

"GAME ON!" 

Natutok kay Trish yung bote. "DARE!" 

"Halikan mo yung paa ni Troy."

"OH NOOOOOOOOO! Yung lips na lang niya, pwede?!" Natawa kaming lahat sa sinabi niya. Hindi naman sa may virus yung paa ni Troy, ayaw lang talaga ni Trish ng paa. Fetish daw ba yun? Ewan ko dun. Ibang klase yung allergy e. 

"Hindi pwede."

"PATAY KA SAKIN MAMAYA ETHAN!" Lumapit na siya sa paa ni Troy at kiniss eto. WIth matching kadiri-faces pa ha.

"YUCK!!!!!!!!!!" 

"Babe naman. OA ka ha." Niyakap na lang siya ni Troy. Nagspin na si Trish at natutok yung bote kay Cleo.

"Truth or Dare?"

"Dare."

"Halikan mo si Lizelle sa lips." OMG. Gumaganti siya kay Ethan! HAHAHA.

"Ayoko. Magalit pa si Ethan oh." 

"Epal mo talaga Trish! Yung lips ko para kay Ethan lang!"

"Eh gusto ko e. Dali na! Wag na maarte! Go Cleo!"

"Sige. Oy Ethan. No hard feelings ha. It's just a dare." Linapitan ni Cleo si Lizelle at kiniss sa lips. Smack lang naman yun kaya medyo hindi OA ang reaksyon ni Ethan. Kung yung definition mo ng hindi OA e halos magwala na sa restobar dahil sa sobrang inis. HAHAHA. Kawawang bata. =))

"Ewan ko sainyo! Teka, turn ko na." Inispin na ni Cleo yung bote at natutok naman sakin.

"ASH! Okay, truth or dare?" 

"Syempre dare!" Ang tapang ko. HAHAHA.

"Halikan mo sa cheeks yung taong namimiss mo dito." Napanganga ako nun. Ang eepal talaga nila! Alam naman nilang namimiss ko pa si Stephen e! Nakakahiya kaya!

Lumapit ako nun kay Stephen at kiniss siya sa cheeks. 

"WOOOOOOOOH!" Mga taong 'to oh. Letse lang. Tinignan ko yung reaksyon ni Stephen. Nakangiti lang siya. Hindi ba siya naapektuhan?

Mukha akong tanga noh? Umaasa pa rin ako.

"So, dali, ipaikot mo na." Nagmamadali masyado si Evo. Tss. 

"Eto na." Pagkaspin ko, tumutok yung bote kay Stephen.

"Stephen, Truth or Dare?"

"Truth."

"WOAAAAAAAAAH! Tanong na Ash!" I swear, isang asar pa nila sakin, matatamaan 'tong mga 'to. Nakakahiya kaya sa tao.

"Ikaw na nga lang." Sabi ko kay Ethan. Tumawa lang siya. "Nahiya ka pa magtanong."

"Hm. Okay, Stephen, mahal mo pa ba si Ash?" Napatingin naman ako sa kanya nun. Grabe naman 'to makapagtanong! Straight to the point.  Kinakabahan tuloy ako na ewan. Anong isasagot niya? Mahal niya pa ba ako?

Ngumiti lang siya saka sinabing "I moved on. Ano ba kayo mga dude."

Bigla kaming tumahimik. As in, literal. Syempre, alam nilang nasasaktan ako sa sinabi niya e.  

"Uh. Guys, I have to go. Curfew pa sa dorm." Umalis na ako at nagpaalam na masama ang loob. Pinipigilan ko na nga lang ang luha ko. 

I guess I'm already late. Too late.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon