Chapter 16 - Square (July 26, 2011)

1.2M 15.7K 2.1K
                                    

DATE POSTED: July 26, 2011


Chapter 16


Magkatalikuran sila ni Phoebe sa kama.

"Phoebe!" sabi ni Kent dahil alam niyang gising pa ito.

"Hmmm?"

"Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga."

"Adik!"

"Ah Phoebe?" tanong niya ulit.

"Ano na naman?"

"Sure ka bang may suot kang napkin kasi alam mo na."

Namumula ang mukha ni Phoebe na humarap sa kanya.

"Malamang meron! Hindi naman ako ganun ka-engot."

"Sure?"

"Ewan ko sa'yo!"

"Tska .... Nga pala... Di kita ulit papansinin sa school ah."

Bumuntonghininga lang ito.

"Bakit nagpapaalam ka pa. Palagi naman."

"Maghintay ka lang kasi." Sabi ni Kent

"Anong hihintayin ko?"

"Basta..."

"Ang labo mo, sungit ka."

"Hwag nang magreklamo at hwag ng bulong ng bulong dyan! Basta hwag mo ng lalapitan si Harley."

"Huh! Di nga pwede! May naisip ka na bang solusyon? Para 'di ko na lalapitan si Harley?" reklamo ni Phoebe.

"Wala pa."

"Oh kitams?"

"Basta..."

"Bakit nga?"

"Basta."

"Ewan."

"Ako nang bahala. Huwag mo ng lapitan, maliwanag?"

Di na ulit sumagot si Phoebe.

"HOY!"

Natatawa siya maya-maya dahil naghihilik ito, hanggang sa naramdaman niya na lang na may nahulog.

"Phoebe?"

Pero nakahilata lang ito sa lapag. Mabuti na lamang at may carpet.

"Tssss! Hahaha. Ang likot pala nito matulog" sabi niya habang tinitignan niya sa lapag si Phoebe. "At hindi pa talaga nagigising ah! Nahulog na tulog pa din! Alien ka ba?"

"Woi! Gising ka pa ba engot?" sinubukan niya.

"Hala ang lalim ng tulog. Tirik pa yung mata." Natatawang sabi niya.

Binuhat niya ito sa lapag at ibinalik sa kama.

"Ang gaan naman nito!"

Humilik na naman ito.

"Tulog ka ba talaga?"

'Di talaga umiimik si Phoebe. Nakadilat pa nga ng kaunti ang dalawang mata nito.

"Subukan nga natin!" He didn't know why he thought of something naughty.

"Nagtutulug-tulugan ka 'no? Halikan kita diyan eh."

Inilapit niya ang mukha niya dito.

"Heto na..."

He pecked at her lips. Mabilis lang.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon