"Yes! P-promise babayaran ko. T-thanks!" sabay taas ko pa sa kanang kamay ko.

"Fine! O ayan! Bahala ka na dyan!" tapos tumakbo na siya palabas ng store.


Pagtingin ko sa inabot niyang pera, muntik na akong mapasigaw. Gosh, 5000?! Ang yaman naman niya para magkaroon ng ganung pera sa wallet niya!


Bago pa ako maguilty ay nagmadali akong pumunta sa cashier at binayad ko ang perang pinautang niya. Nakahinga ako nang maluwag nung nakalabas na ako sa store at dali-dali akong naglakad pauwi. Pagdating ko sa bahay, parang wala lang ako sa sarili at humiga na lang ako sa kama. Grabeng first day naman 'to, kamalasan kaagad.


Pumikit ako at tinigilan na lang ang pag-iisip tungkol doon. Kailangan ko na ring matulog at baka ma-late pa ako sa klase ko bukas. Tama, hindi ko na lang muna iintindihin 'yun.


***


Buti at nagising ako sa alarm clock. Nagprepare agad ako at nagluto ng sinangag at hotdog for breakfast. Naalala ko tuloy si Kuya. Dati siya ang naghahanda para sa'kin pero ngayon, sariling sikap na. Hay, nakakamiss kahit tatlong araw pa lang ako rito. Naligo na rin ako at nagbihis. Dahil first day, kailangan presentable ang suot kaya nag-skirt ako at pinagpatong ko na lang 'yung dalawang damit. Cute naman tignan eh. And I'm off!


Dahil sa Math Building ang una kong klase, naalala ko na naman ang lalaking 'yun at kusang kumunot ang noo ko. Teka, 'di ko pala alam pangalan nya. Paano ko mababayaran...Ay, bahala siya!


Napahinto naman ako bigla dahil sa naisip ko. OMG! 'Di ko dala 'yung pambayad ko! Patay na—pero teka...sabagay, 'di ko naman sigurado kung makikita ko siya ngayon. Aba baka hindi ko siya makita buong sem! Ayos 'yun!


Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko at nung makarating ako sa room, wala  pang tao. Masyado yata akong maaga. Sabagay, 6:40 pa lang. Umupo na lang ako sa bandang dulo dahil hindi ako ganoon ka-talented sa pakikipagsocialize.


Maya-maya lang ay nakita ko nang dumarating ang mga classmate ko. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko nung may nakita akong pamilyar na mukha. Kita mo nga naman oh, sa kasamaang palad, classmate ko pa siya. Hay Luka, magpakabait ka. Malaki ang utang mo dyan...

  

Oh my God, yung utang ko!


Yumuko agad ako nung nakita ko siyang pumasok sa room. Mukhang 'di niya ako nakita kaya nakahinga ako nang maluwag. Ayoko namang singilin niya ako sa harap ng maraming tao. Nakakahiya!


Maaga rin namang dumating 'yung professor namin. Dahil first day, nagpakilala lang sya at inintroduce ang subject. Nagulat naman ako nung pinatayo kami. Anong meron?


"Okay class, para 'di ako mahirapan magcheck ng attendance at para madali ring magrecord, I'll arrange you according to your colleges and courses."


Akalain mo ngang may seating arrangement pa rin pala kahit college?! Akala ko pa naman, kahit saan na pwedeng maupo...t-teka...ibig sabihin malaki ang possibility na malapit ako sa kanya dahil pareho kami ng course? And worst, magiging seatmate ko sya? Oh God, please no!

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon