LOVING my GAYFRIEND! (ViceRylle)

4.9K 46 23
                                    

PROLOGUE

"Vice, nagkagusto ka na ba sa babae?" Narinig nyang tanong ng isang kaibigan sa bestfriend.

Hindi nya mapigilan ang mapatingin kay Vice. Hinihintay ang sagot nito.

Nakita nya ang pag-asim ng mukha nito at nagsalita. "Nako, tigil-tigilan mo ako, Billy a. Ako magkakagusto sa babae? Nagpapatawa ka ba? Sayo, pwede pa." Malanding sabi nito.

Nagtawanan naman ang iba nilang kasama.

"Bakit? Tama lang naman a."

Natigil sa pagtawa ang mga kasama at nagtatakang napatingin sa kanya na seryosong nakatingin kay Vice na katabi lang nya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nakikita nya ang pagkalito nito.

Inakbayan sya nito. "Anong binabakit-bakit mo dyan, ha, K?" Tanong nito.

"Bakit hindi ka pa nagkakagusto sa babae? Kahit naman bakla nagkakagusto rin sa amin a."

Pinisil nito ang kanyang ilong. " E, sa wala kayong dating sa akin e. At mas maganda pa ako sa inyo. At kung magkagusto man ako sa babae walang seseryoso sa isang baklang katulad ko. Atleast sa lalake meron!" Tumingin ito kay Vhong, "Gwapo!" Nanggigigil na pinisil nito ang braso ng huli.

Muling nagtawanan ng mga kasama nila.

"Ako. Seseryosohin kita."

Muling natahimik ang mga ito. Lalong lalo na si Vice na nanlalaki ang mga mata.

"K? MAy-- May gusto ka kay------" Anne

"Joke! Hahahaha." Sabi nya sa pilit na tawa. "To namanng mga to naniwala naman agad."

Niyakap sya ni Vice ng mahigpit. "Kaw talaga, K. Pinakakaba mo naman ako. At wag na wag kang magkakagusto sa akin. Maiilang lang ako sayo. We're friends, Girl." Sabi nito at tumawa.

Friends. Aray ko po.

"Nako, girl, di ko maimagine." Anne.

Tumawa sya ng pagak. "Ako din naman noh. Magkakagusto ako dyan e ang hilig nya sa basketball player!"

"Bakit ba." Si Vice habang tumatawa.

Hindi na nya alam kung sino ang nagpasok ng ibang topic basta ang alam nya nagtatawanan na lamang ang mga ito at nakatalikod na sa kanya si Vice.

Hindi sinasadyang napatingin sya kay Vhong na nakatingin lang sa kanya. Kita nya ang simpatya nito sa kanya. Ito lang ang kaisa-isang tao na sinabihan nya ng pinakatatagong sikreto nya.

Hindi nya maiwasang mainis sa sarili. Sa dinami-rami ba naman ng lalake sa mundo na pwedeng mahalin, bakit SYA pa?

Bakit sa kaibigan nya pa?

But loving my friend is not the problem....

LOVING my GAYFRIEND is!

_________________________________________________________________

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ViceRylle fan here!

Showtime Family!!!

VOTE AND COMMENT

-iamwaiting4him

LOVING my GAYFRIEND! (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon