Previous Page of 4Next Page

One-Shot Stories: Collection.

Dedicated to
shegotmyattention
spinner.gif

Marami ng stories na nagrerevolve around sa magbestfriends. Yung tipong magkakainlove-an. Kaek-ekan.Ika nga, gasgas na ang ganitong archetype of story. (Gumaganon?) Pero, dahil dedicated 'to sa dalawa kong matalik na kaibigan na si YENKO at RIO. E gumawa ako ng ganito. Wag niyo na akong sisihin. HAHA. =))

 (C) ELLA LARENA

 -------------------------------------

Nagkagusto ka na ba sa bestfriend mo? Wait, scratch that. Minahal mo na ba bestfriend mo? Yung higit, sa friends? Ako, kasi, Oo.

Nagsimula ang lahat ng yun nung mga bata pa kami. Childhood friends kami, sabi nga nung mga nakakakilala samin, baka magkatuluyan daw kami paglaki namin. Pero pinagtatawanan nalang namin yun at di pinapansin. Mga bata pa nga kami nun, wala pang masyadong alam sa mundo…

“Rio! Tagal mo naman! Lika na, uwi na tayo!”

“Teka, yung crayons ko! Nakalimutan ko! Wait lang.”

“Ako na kukuha.” Tapos pumasok na siya sa classroom namin. 

Maya-maya, bumalik na siya. Tapos, nakasmile siya.

“Oh, Crayons mo.” 

“Thanks Yenko, teka, bakit ka nakangiti dyan?”

“E kasi….” May sinabi siya, pero di ko narinig. Tumakbo na kasi ako nun e.

“Habulin mo ako Yenko!” At ayun, naghabulan kami pauwi sa bahay namin. Magkapitbahay lang kasi kami e. Hihi. :”>

Grade 3 pa lang kami nun, pero magbestfriends na kami. Para nga daw kaming kambal e. Kasi, talagang tight kami. Alam mo na, magbestfriends e. Pero di niya alam, may gusto na ako sa kanya, mula kinder pa lang. Hehe. Kasi, pinagtanggol niya kasi ako dun sa mga batang umaaway sa akin nun. Binigyan niya pa nga ako ng lollipop e. Kaya simula nun, naging crush ko na siya. 

Ngayong 4th Year Highschool na kami, lalo akong naiinlove sa kanya. Uy, Sikat si Yenko noh. Heartthrob nga daw e. E ako? Wala, dakilang bestfriend. Hindi ako sikat, nerd nga daw ako e. Pero at least, hindi niya ako nilalayuan diba? Pero, ang saklap nga lang, bestfriend pa rin turing niya sa akin. Okay lang naman sa akin, kasi alam mo na, hindi pa naman ako umaamin e. Mas mabuti ng ganito, sabi nga nila, Mas mabuting maging bestfriend ka forever, kaysa naman maging EX-GIRLFRIEND ka in the future. Go with the flow na lang.

“Bes!” Nagulat ako nung may yumakap sa akin patalikod, si Yenko lang pala. Namula tuloy ako pero binatukan ko siya. 

“Ano na naman? Makayakap ka ha.”

“Ano naman, bestfriend naman kita ha?” Aray. Ang sakit.

“Ewan ko sayo.” Inirapan ko siya at nagwalk-out, pero bigla niya namang hinablot yung kamay ko at tinignan ako.

“Tampo ka na naman. Treat na lang kita icecream!” Tapos ayun, nagpahila na lang ako sa kanya. Kaysa naman asarin na naman ako nito na may crush sa kanya. Kahit totoo. Nakakailang kaya yung ganun.

Nagpunta kami sa Icecream ni L.A. (Naks may exposure ka Sis!) Ang unique kasi ng flavor ng icecream dun e. Sobrang sarap pa. 

“2 pong Vanilla Almond at 1 Mint Chocolate. Sugar cone.” Alam niya na paborito ko rin yung Vanilla Almond. We’re the same nga e. HAHA. Pero, wait…

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (279)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended