Chapter Twenty Nine: Careless

318K 5.3K 1K
                                    

Chapter Twenty Nine: Careless

<Muriel POV>

"How is he?"

Nag-angat ako ng tingin kay Jared. He was busy toying his dishes. Magmula nang sunduin niya ako para mag-lunch, ito ang unang pagkakataon na nagtanong siya tungkol kay Riley. Naikuwento ko sa kanya ang nangyaring insidente kanina. Pero hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol sa paghi-hysterical ni Samantha.

"I think he's okay now." Sagot ko habang patuloy siyang pinagmamasdan. "Kaya lang ayaw niyang magpatingin sa doktor."

"Hindi mo siya mapipilit kung talagang ayaw niya." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Alam mo naman kung gaano katigas ang ulo ng isang iyon."

"Okay ka lang ba?" Hindi ko napigilang itanong. Naninibago ako sa kinikilos niya. Kanina pa siya tahimik. Kung hindi ko kakausapin ay hindi siya magsasalita. "May sakit ka ba?" Hinipo ko ng palad ang noo niya. Hindi naman siya mainit.

"Pagod lang siguro ako." 

Napabuntong-hininga ako. "Pagod ka na pala, sana hindi mo na lang ako niyaya na mag-lunch dito."

"Nag-promise ako sa'yo."

"Kahit na! Sana nagpahinga ka na lang."

"Nag-aalala ka ba para sa akin?" Suddenly he asked. Doon lang siya nag-angat ng tingin sa akin.

"Of course nag-aalala ako para sayo." Nagtataka na sagot ko.

"Bakit?"

"Anong bakit?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ko.

"Bakit ka nag-aalala sa akin? Gusto kong malaman ang dahilan."

"Kailangan ba ng dahilan para mag-aalala ako sayo?"

"Just answer my question?" He demanded. Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako nagsalita. "You're one of my best friend. Natural lang na mag-alala ako sayo." Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin. "Now I know." He smiled bitterly. At tahimik na pinagpatuloy ang pagkain.

Things couldn't be the same again between us. And I miss him so much. Mas gugustuhin ko pa na mag-asaran kami hanggang sa mapikon ako kaysa yung ganito na parang lagi na lang may tensyon sa pagitan naming dalawa.

How I wish I could erase his feelings for me as much as I wanted to erase my feelings for Riley. 

Inihatid ako ni Jared sa office pagkatapos naming kumain. And to my dismay, hindi na talaga siya nagsalita magmula ng umalis kami ng resto. Nang huminto ang kotse ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Inunahan ko na siya. 

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon