The Wedding

67.9K 1.2K 915
                                    

Zenia's POV

Hindi naging madali yung preparation ng kasal namin ni Justin.

May ilang mga hindi napagkasunduan sa paghahanda.

Kung ilang bisita ba iimbitahin, sa pagpili ng kulay na gagamitin..

kahit maging sa mga pagkain na ihahanda at kung saan gaganapin.

Buti nalang at mapag-pasensya si Justin at hindi ako sinukuan.

Napagplanuhan nadin namin kung san kami titira. Napagpasyahan namin na mag rent to own nalang muna ng town house. Tutal, nagsisimula palang din naman kami. Ayaw naman naming umasa sa mga magulang namin para hindi kami nasasana

NO POV. THIS IS NARRATIVE.

After almost a month and a half of preparation..

FINALLY

(Now Playing: A Thousand Years / Christina Perri. video is on the right side.)

Hindi mapigilang maiyak ni Zenia habang naglalakad sa red carpet papuntang altar. Masayang masaya namang naglalakad ang daddy ni Zenia kasama siya papuntang altar. 

Dalawang klase lang ng bulaklak ang nakalagay sa bawat hilera ng mga upuan sa simbahan. White roses at tulips. Lahat ng bulaklak ay kulay puti. Maging ang mga tela na nakapalibot dito bilang dekurasyon ay kulay puti.

Hindi maipaliwanag ng bawat mga bisita sa loob ng simbahan ang kanilang mga emosyon. May mga teary-eyed at may mga natutuwa sa pangyayari.

Kinakabahan naman si Justin habang hinihintay makaabot sa altar si Zenia. Nakaputi itong coat    at pants. Black na tie at sapatos. Everything seems to be in peace. Ang motif ng wedding ay gold and white. Elegant and so peaceful

"Yes this is it!" sa isip-isip ni Justin.

Siya at ang babaeng hindi niya inakalang papakasalan niya at mamahalin niya ng lubos ay ngayon ay magiging isa. 

Samantala, bawat mga bisitang nadadaanan ni Zenia ay naluluha at may mga ngiti sa kanilang labi.

Ang kaibigan nitong si Ross na naglalakad sa likuran niya para hawakan ang mahabang gown ni Zenia ay hindi maipaliwanag ang emosyon. Naging saksi kasi ito sa bawat mga pangyayari kay Zenia at Justin.

Fishtail gown ang napiling isuot ni Zenia na siyang naghubog sa maganda katawan nito. Simple pero napaka-elegante rin ng make up nito. Kumuha kasi si Justin ng pinakamagaling magayos at magset up ng kasal nila.

Gusto nito gawing espesyal ang araw na ito. 

Sa wakas ay nakarating narin si Zenia sa altar. Niyakap muna nito ang ama bago maghiwalay.

"Dad, thank you so much. I love you." Bulong nito sa ama. 

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon