This I Promise [One Shot]

61.8K 1.1K 462
                                    

Copyright 2013 © airaxx

--------x

Sabi nila promises are meant to be broken, pero umaasa pa din akong hindi niya nakakalimutan yung pangakong binitawan niya sakin ... na babalikan niya ako, no matter what.

Yun lang ang salitang pinanghahawakan ko, pero pano kung siya mismo hindi ko nakikitang pinaglalaban kung anong meron kami?

*-*-*

"You're grounded!" sigaw ni Dad pagpasok ko ng bahay. Lalong nag init yung ulo ko, kanina kasi nahuli niya kaming magkasama ni Aldrin, boyfriend ko. Wala naman kaming masamang ginagawa pero pinagalitan niya si Aldrin.

"Bakit ba Dad?! Kasi kalaban niyo yung pamilya nila? Kasi kalaban niyo ang kompanya nila? Bakit hindi kami pwede? Wala nga naman kaming kasalanan ah!" sigaw ko.

*PAK!!*

"Kita mo sinasagot mo na ako! You're grounded for a month! No gadgets!" After he shouted those words, I ran towards my room, shut it, and cry all over my pillow.

Kung sinunod ko lang sana sila, hindi ako ma g-grounded. Pero hindi sila yung sinunod ko eh, kundi yung puso ko.

May family feud kasi sa pagitan ng pamilya nina Aldrin at samin. Wala nga akong naiintindihan kung ano ba talaga ang puno't dulo ng lahat.

Ang alam ko lang eh ayaw nilang malapit ako kay Aldrin.

-Kinabukasan-

"Alice..." napalingon ako sa tumawag sakin. Yung pinsan kong si Andrew. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Nabalitaan kong grounded ka daw?" ramdam ko ang pag-aalala sa tanong niya. Wala namang paki yang Drew na yan sa away ng pamilya, katulad ko. Kaibigan nga din niya si Aldrin.

"Ang bilis ng balita...alam mo naman si Daddy, grabe talaga yun." tumango tango siya sakin. Tapos may inabot siyang papel.

"Gotta go couz, good luck" ginulo niya pa yung buhok kong nasa ayos. Di na ako nagpatumpik tumpik pa, agad ko ng binuksan at binasa kung ano man yung nakasulat dun sa papel.

'Love :( Sorry. Na grounded ka dahil sakin. I know wala ka ding cp. Kita nalang tayo mamaya. You know where, 4pm.'

Tinago ko na yung note, at nakangiting pumasok sa klase ko. Kating-kati na talaga akong mag alas kwatro! Ba't ba kasi ang tagal? :(((((((((

*KRINGGGGGGGGGGG*

Agad na akong lumabas ng classroom, bawat minuto, bawat segundo ay importante. Baka kasi nandyan na yung sundo ko. Half running akong pumunta sa secret place namin, at nakita ko siyang nakatayo. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Love .." humarap siya sakin, at hinawakan niya ang mukha ko.

"Love, sorry talaga! Di ko din kasi namalayang nakasunod pala yung mga galamay ni Daddy kahapon" sabi ko sa kanya,pero he just smiled. A smile that hides sadness.

"May problema ba?" tanong ko. "Wala naman, nag aalala lang ako sayo." Sabi niya sakin tapos umupo kami sa isang bench na andun.

"Alice, tandaan mo. Ikaw lang ang mahal at mamahalin ko, kahit anong mangyari.. Promise" feeling ko may hindi magandang mangyayari.

After a month ..

I never thought yun na yung huling pag uusap namin. Isang buwan na ang lumipas, kahit isang call o message galing sa kanya wala. Wala akong natanggap! Ang alam ko nasa New York daw siya.

This I Promise [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon