1: KELLY, MAYKA, AND THE NEW GIRL

27.8K 402 25
                                    

I'm an amateur, forgive me folks.

****

Chapter 1 — Kelly, Mayka, and the New Girl

Mayka Kate's Point Of View

"Hoy jologs!"

"Manang! Pakopya nga ng assignment."

"Taba, uso mag-diet."

Iyan kaagad ang maririnig namin tuwing tumatapak kami sa entrance ng school. Araw araw, ganito ang eksena. 

Parang tradisyon ito, hindi makukumpleto ang araw nila kapag hindi sila nang-aapi. Katulad ng hindi sila mabubuhay kapag walang pagkain. 

Kami naman, ayun, labas lang sa kabilang tainga ang mga sinasabi nila.

Huling taon ko na as a junior high student ang school year na to, bale apat na taon na akong nag-aaral sa Xaris High.

Wala pa ring nagbago. Mataba pa rin ako, at inaasar pa rin nila ako. Second day pa lamang pero ang gulo gulo na ng school namin. At oo, ako yung tinatawag nilang baboy.

Lumingon ako kay Kelly nang may humila sa mahaba at magulo niyang buhok kaya muntik na siyang matumba. Agad kong hinawakan ang braso niya para mapalayo doon sa lalaking naghila.

Freshman pa ako nang makilala ko si Kelly. She was also bullied by her classmates kaya nagtransfer siya sa section namin, which was worse than her class since mas maraming bullies doon. 

Pero sabi niya ay okay lang daw, at least may kaibigan siya. 

We actually got along well since we both feel like we don't belong with others, and we have no one else in this school. 

Well, except for my brother na minsan ko lang nakikita dito dahil busy rin sya as a student.

"Pakialamera talaga tong baboy na to!" usal nung lalaking sumabunot kay Kelly nung inilayo ko siya. Kay lalaking tao, walang respeto sa babae. 

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. 

Sanay na kami sa ganito, in fact, sobrang sanay na kami to the point na ineenjoy na lang namin ang mga tinatawag nila.

Hindi na rin kami nag-abalang magsumbong sa teachers kasi ayaw na naming lumala ito. Wala naman silang maggagawa para pigilan ang mga estudyanteng nanunukso.

"Kate?" tawag ng isang babaeng papalapit. "Nasaan yung pinaggawa ko?"

Si Suzy.

Kasama niya ang dalawang babae na nasa likuran niya at nanonood lang. Si Grethel at si Rhea, ang mga kaibigan niya. The btches are here.

Long, black hair, fierce eyes, pointy nose, red lips, natural pinkish cheeks, and pale skin. 

No wonder maraming nagkakagusto sa kanya. She's beautiful, chic, and also kinda smart. Kaya malaya siyang nakakabully nang hindi man lang nag-alala, she's a dictator. She's popular, Suzy and her friends.

"Fck." I whispered to myself. Sa lahat lahat ng pwede kong kalimutan, bakit iyon pa? Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. "Yeah, about that..."

Sa akin niya kasi pinaggawa ang assignment niya. Pareho kaming nasa Section 10A, ang nag-iisang honor section ng Grade 10. 

I mean, if she's smart enough para makapasok sa honor section, bakit niya sa akin pinagawa ang assignment niya?

Ayaw niyang gumawa ng homework kasi aksaya sa oras? Tsk. Palibhasa nag rereyna-reynahan lang yan sa campus. May pa-queenbee-queenbee pa silang nalalaman, mukha namang si Jollibee.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon