65: Shattered Dreams.

74.9K 515 50
                                    

A/N: marami daw nakarelate? Hehe ako din nakarelate e. Ganyan talaga sila, minsan sweet, minsan cold. Grr!

 

Every man has his secret sorrows which the world knows not; and often times we call a man cold when he is only sad.

(c) Henry Wadsworth Longfellow

PREVIEW:

"You're expert in seducing, and I can't blame them if they easily fall to your hands"

Chapter 65: Shattered Dreams.

Briel's POV

Nasapul ng mata ko ang kinauupuan ni Mike, walangya! Kanina ko pa sya hinahanap dito ko lang pala sya makikita.

Nandito sya sa bar ni Runo, nakaupo sa isang table habang umiinom. Nilapitan ko sya, "Makinig ka" napatingin lang sya.

Tatlong bote na ang nauubos nya at may lima pang nakapila. Hindi mahilig uminom si Mike, umiinom lang sya kapag may problema.

"Mali ka ng akala.." hindi nya ako pinakingan, tinungga nya lang yung isang bote.

"Don't jump into conclusions Mike, let her explain.. Oo nasaktan ka, pero sana maisip mong nasaktan mo din sya.." parang wala syang naririnig, nakatingin lang sya sa malayo. Hindi ko alam kung malakas lang ba yung sounds o ayaw lang nya talagang magsalita.

"You're a Lawyer, and as a Lawyer you must know all the rights of the people.. Remember that every person has their 'due process', you don't even judge a criminal base on what other witness say, and in the court, the judge always ask the testimony of the suspect, always remember that Mike."

 

Isa lang naman ang gusto kong sabihin sakanya, at yun ay ang hayaan nyang magpaliwanag si Gab.

Umupo ako sa tabi nya, medyo madilim sa lugar kaya naman ng madaplisan ng kaunting ilaw ang mukha nya'y napansin kong puno iyon ng sugat.

"Umuwi ka na, hinihintay ka na ni Gab. Hindi tamang pinaghihintay ang babae" alam ko namang nasasaktan sya e, pero hindi makakagamot sakanya ang alak. Kailangan nilang magusap, yun ang mas tama nyang gawin.

"Take her" nagulat ako sa sagot ni Mike. Anong ibig nyang sabihin?

"Kapag kinuha ko sya hinding hindi mo na sya mababawi sakin" I warned him. Seriously I didn't mean those words all I want is to make him realize that this is not the end of their lives.

Kailangan nyang magmove on, may mali si Gab pero hindi tamang hindi sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Lahat ng tao nagkakamali at lahat ng tao nasasaktan.

Muling nadaplisan ng ilaw ang mukha nya, ngayon hindi na sugat ang napansin ko kundi ang luhang tumulo mula sa mga mata nya. Pinunasan nya iyon ng kamay nya saka tumungga ng alak.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon