4. Elle

412K 3.3K 350
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Tulog pa si Luke nang umalis ako ng condo nya. Bakit ko ba kasi nakalimutan na may pasok pa ako ngayon? Ngayon lang din nag-sink in sa utak ko na pumunta ako sa pad ng ex ko! Ano bang naisip ko kahapon?

Ay nako bahala na nga! Dumiretso na ako sa condo ni King. Oo doon na ako titira sabi ng parents namin. Gusto nga nilang bumili kami ng bagong bahay pero may kung anong sinabi si King sa kanila kaya napapayag na dun nalang ako tumira. Ayaw talaga ako gastusan ng lalaking yun. Kung di lang talaga mahal na mahal ko yun, iniwan ko na. Hay, nakakasawa na talaga ang may madramang lovelife.

Pagdating ko sa condo nya, wala na sya. Nakita ko yung maleta ko sa sala nya. Psh, hindi man lang inayos o kaya inilagay dun sa magiging kwarto ko.

Pagtingin ko sa maleta ko, may sticky note na nakadikit.

Yung guestroom sa dulo ang kwarto mo.

 

Yun lang ang nakalagay. Wala man lang bati o hindi man lang nagpakilala kahit kilala ko naman na sya.

Hay, ano pa bang ini-expect ko? Makapag-ayos na nga lang.

*

“Hoy Bakla, tulala ka?” tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig.

Tsk, si Ramon Castro pala. Close enemy ko. Yeah, may ganun. Enemy ko DAW sya sa kagandahan. He’s gay but nice. Isa siguro sa mga tinuturing kong kaibigan dito sa North University.

“Anong kailangan mo, Ramon?” asar kong tanong.

“Eew, don’t call me Ramon. My name is RC!” sabi nya at umupo sa harap ko.

Nasa cafeteria ako at mag-isang kumakain. Mag-kaiba kami ng course ni Marga kaya bihira lang kami nagkakasama. Madalas loner ako o kaya kasama ko tong si RC.

“Whatever.” sabi ko nalang at tinuloy ang pagkain ng fries.

As of now, hindi ko pa nakikita kahit anino ni King pero mamaya paniguradong makikita ko na sya. Magka-klase kami sa last two subjects ko.

“Oy bakla, ang magandang face pumapangit. Baka mamaya palitan ka sa Ms. Northians at ako na ang ipalit. Mwahahaha.”

Napailing nalang ako. Isa pa palang problema ko ay ang Mr. and Ms. Northians na gaganapin next month. Isa ako sa mga candidates, ang ganda ko kaya. Hahaha. Ang alam ko kasali din si King dun.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon